_ngayon
^
Showbiz talk shows, nagbabalik!
MJ, Bianca at Boy

Showbiz talk shows, nagbabalik!

(Pilipino Star Ngayon) - March 26, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ibinabalik ng FYE channel ang showbiz talk show weekend habit dahil back-to-back ang mga patok nitong celebrity news programs na PopCi­nema at The Best Talk tuwing Sabado ng gabi sa kumu app.

Makakausap nina Bianca Gonzalez at MJ Felipe ang dating Pinoy Big Brother: Connect housemates na sina Chico Alicaya, Amanda Zamora, Ralph Malibunas at Justin Dizon ngayong Sabado (March 27), 7 p.m.

Bukod sa pagbibida sa mga bisita nito sa pamamagitan ng kuwelang palaro, hatid din ng PopCi­nema ang weekly rundown ng trending celebrity happenings at entertainment news sa livestream nito.

Samantala, makikipagkwentuhan naman ang King of Talk na si Boy Abunda sa pinakabagong P-pop boy group na BGYO sa bagong episode ng The Best Talk, 9 p.m. Magiging bahagi ang BGYO members na sina Akira, Gelo, JL, Mikki at Nate ng Kumustahan with Tito Boy segment at sasagutin ang mga tanong na tiyak na magpapakilig sa kanilang fans.

Handog ng The Best Talk ang bagong segments para sa Kumunizens ngayong nasa season 2 na ito. Bukod sa kanyang eksklusibong panayam sa celebrity guests, makakausap rin ng award-winning host ang sumisikat na streamers na nagpapasaya sa Kumu at maghahatid din siya ng commentaries at insights tungkol sa mga pinakamaiinit na isyu sa industriya.

Magdownload na ng Kumu app at sundan ang FYE channel @fyechannel. Meron din itong simulcast sa Cinema One Facebook page at YouTube channel.

 

 

BOY ABUNDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with