^
Heaven, nagsalita sa totoong relasyon nila ni Kiko
Heaven

Heaven, nagsalita sa totoong relasyon nila ni Kiko

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - March 24, 2021 - 12:00am

Kamakailan ay nakumpirmang nagkahiwalay na sina Kiko Estrada at Devon Seron bilang magkasintahan. Tumagal ng dalawang taon ang relasyon ng dalawa. Ang katambal ni Kiko sa ­teleseryeng Bagong Umaga na si Heaven Peralejo ang nasasangkot ngayon sa hiwalayan ng dating magkasintahan.

“Siguro po no’ng last taping po namin, ang dami na­ming scenes together. I feel like nabig­yan lang ‘yon ng another meaning. We were talking kasi kailangan namin ng chemistry for the show. Lahat ‘yon para sa trabaho lang,” paglilinaw ni Heaven.

Tinatawanan lamang umano ng aktres ang mga paratang na siya diumano ang naging dahilan ng hiwalayan nina Kiko at Devon. Ayon kay Heaven ay naging malapit silang magkaibigan ng aktor dahil sa naturang serye. “Wala naman talaga, hindi totoo ‘yung issue. Nakakatawa lang siya pero nakaka-stress for me and for mom,” giit ng dalaga.

Sa ilang taong pamamalagi sa show business ay nasanay na rin si Heaven sa mga intriga. Matatandaang maraming negatibong komento rin ang natanggap ng aktres nang na­ging kasintahan noon ang panganay na anak nina Manny at Jinkee Pacquiao na si Jimuel.

“’Yung first time ko, sobra akong na-depress. Totoo po talaga ‘yon. Kasi siyempre at some point in your life, parang sobrang sakit naman ng mga sinasabi ng mga tao. Hindi naman talaga nila alam ‘yung totoo. Lahat na yata ng words na pwede mong ibigay, ibinigay nila sa akin. Natanggap ko lahat ‘yon. Ang sa akin lang, kaya ko siya talaga kung ako lang. Pero kapag nakikita ko ‘yung mom ko na nai-stress about it, and puwede ma-trigger ulit sa kanya ng cancer, doon ako sobrang nalulungkot, nagagalit, naiinis ako,” pagbabahagi ng aktres.

Mark Anthony, hindi hiningan ng payo ni Grae

Masayang-masaya si Mark Anthony Fernandez para sa naabot ng anak na si Grae Fernandez sa show business. Unti-unti nang nakikilala ngayon si Grae lalo na nang mapabilang sa teleseryeng Ang Sa Iyo Ay Akin na nagtapos noong Biyernes. “Oo naman, proud ako dahil may magandang nangyari sa kanya. At siyempre nagbibinata siya, nagiging indepen­dent siya. Masaya ako at proud bilang tatay. Gusto niya talagang maging artista. Natutuwa talaga ako at nagsusumikap siya,” nakangiting pahayag ni Mark Anthony.

Si Grae ay apo ni Alma Moreno at ng namayapang aktor na si Rudy Fernandez. Umaasa si Mark Anthony na mas marami pang proyekto ang magagawa ng anak sa mga susunod na taon. “Siyempre ang gusto ko lang huwag siyang mawalan ng patience, trabaho lang nang trabaho. Hanap lang nang hanap ng proyekto hanggang talagang maka-jackpot na makakuha siya ng role na markado at maipapanalo niya, na talagang magugustuhan ng tao,” paglalahad ng aktor.

Pinayuhan na noon ni Mark Anthony si Grae kung paano maging maayos sa trabaho. Ayon sa aktor ay hindi pa kailan man lumapit sa kanya ang anak upang humingi ng payo. “Naghiwalay na kasi kami ng mama niya. No’ng may pagkakataon akong makapagpayo, nagkusang loob na akong magpayo. Pinayuhan ko siya na ganito, gano’n. Sa naalala ko na humihingi siya ng payo sa akin, parang wala akong maalala. So ako na ‘yung nagkusang loob na magbigay ng payo,” pagtatapat ni Mark Anthony. -Reports from JCC-

HEAVEN PERALEJO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with