^

PSN Showbiz

Sunshine, mabigat ang loob ‘pag lumalabas ng bahay!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Sunshine, mabigat ang loob �pag lumalabas ng bahay!
Sunshine

Aminado si Sunshine Cruz na mas takot siya ngayong panahong ito na kabi-kabila ang mga bagong variant ng COVID-19 na aywan nga kung bakit lahat naman yata bumuhos na sa Pilipinas. Kaya kung maaari nga lang daw huwag nang lumabas ng bahay ang mga anak niya.

Lahat na rin halos ng klase ng disinfection ipinagagawa na niya sa bahay niya, dahil hindi ka nga naman nakakasiguro na hindi ka mapapasok ng virus. Hindi man kayo lumabas, tiyak bibili rin kayo ng pagkain. Eh iyong magde-deliver noon sa iyo, sigurado ka bang walang nasagap na virus?

At sa totoo lang, may mga pamilyang hindi na nga lumalabas ng bahay tapos lahat sila nagkasakit dahil sama-sama nga, at hindi nila alam kung papaano pa sila napasukan ng virus ngayon.

“Ako nga, ayoko nang lumabas dahil baka ako pa ang magdala ng virus sa bahay namin, pero hindi ka naman puwedeng hindi magtrabaho. Ganoon pa rin ang gastos sa bahay. Sabihin mo mang naka-home study, ganoon pa rin naman ang gastos mo sa pag-aaral ng mga bata. Ganoon pa rin ang ­pangangailangan nila, at mas malaki pa nga ngayon dahil maraming kailangang supplement para lumakas ang katawan at malabanan iyang virus na iyan.

“Kung iyon nga lang bakuna sigurado at available talaga sino ba ang hindi magpapabakuna, pero hindi pa naman available para sa lahat at hindi pa guaranteed ang epekto. Kung may masamang mangyari sa iyo matapos mabakunahan, walang mananagot kaya nakakatakot din,” sabi nga ni Sunshine.

“Sa panahong ito, kung may nag-aalala man sa kanilang buhay, mas doble ang pasakit sa kalooban ng parents. Una alam nilang hindi masaya ang buhay ng kanilang mga anak dahil naka-quarantine nga. Hindi sila makakapunta kung saan nila gusto. Hindi nila makikita at makakasama ang mga kaibigan nila. At the same time, iyong takot nga na ang mga bata ang mahawa. Kung magkakasakit sila, at the time na kailangan mo silang damayan, hindi ka puwedeng magbantay. Eh iyang mga anak ko kahit na noong araw lagnatin lang hindi ko na maiwan. Kaya wala tayong magagawa kundi magdasal na lang na sana matapos na ito. Paikut-ikot na lang tayo eh, wala naman silang solusyon,” sabi pa ng aktres.

Gabby, pinagmukhang DOM

Noong isang gabi, napanood namin ang bagong serye ni Gabby Concepcion. May isang eksena kung saan inaayos ni Sanya Lopez ang bow tie na suot ni Gabby. Ang tagal noong isang show kung saan extreme close up kay Gabby ang camera. Aywan kung masama ang makeup, o may mali sa ilaw, pero sa shot na iyon mukhang matanda na si ­Gabby.

Talaga namang may edad na siya, pero kung naaayos ang shot, hindi naman ganoon na parang matanda na ang dating niya, o kaya mas mabuti na huwag na siyang bigyan ng extreme close up.

Sa tingin namin, hindi maganda sa image ni Gabby kung nagmumukha na siyang matanda, dahil tandaan ninyo, hanggang sa ngayon ang tingin ng fans kay Gabby ay isang matinee idol.

At dahil hindi hamak na mas bata si Sanya, ang mangyayari talaga niyan ay magmumukha siyang DOM.

Starlet, hindi maka-move on sa ex na mukhang pera

Halata mong inis ang isang female star, na starlet na lang ang status ngayon, dahil sinasabi raw ng bashers na siya ay parang asong hahabul-habol sa kanyang boyfriend, na alam naman niyang naka-move on na mula sa dati nilang relasyon at may bagong syota na rin.

Kung sabagay, hindi mo masisisi si “starlet” dahil may panahon na halos siya na ang nagsustento sa kanyang boyfriend lalo na noong may trabaho pa siya kahit na papaano at ang boyfriend niya ay wala nang career. Mas malaki pa nga ang gastos niya sa kanyang boyfriend kaysa sa kanyang pamilya.

Pero si boyfriend nang makakita ng iba, na mas bonggang magbigay kesa sa ­dating girlfriend niya, kinalasan niya agad ito. Ang ending kawawa ang starlet.

vuukle comment

SUNSHINE CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with