^

PSN Showbiz

Janine at Rayver, tiis-tiis muna sa video call

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Janine at Rayver, tiis-tiis muna sa video call
Janine at Rayver
STAR/ File

Walang nagiging problema sa relasyon nina Janine Gutierrez at Rayver Cruz kahit na magkaibang TV network ang kanilang pinagtatrabahuhan. Ngayon ay hindi masyadong nagkikita ang magkasintahan dahil sa mga lock-in taping na ipinatutupad ng ABS-CBN at GMA. “Medyo kakaiba ang sitwasyon dahil puro lock-in di ba at saka siyempre quarantine kaya hindi masyadong nagkikita, pero mabuti naman po. So video call muna, text-text. Araw-araw may update sa text, ganyan. Pero hindi rin po araw-araw ay may tawag. Kasi nagte-taping din siya tapos ako rin. So adjust-adjust lang muna, tiis-tiis,” pahayag ni Janine.

Bukod sa ASAP Natin ‘To at isang bagong teleserye ay mapapanood din ang aktres sa pelikulang Dito at Doon na pinagbibidahan nila ni JC Santos. Hindi na ito maipalalabas sa sinehan dahil sa muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Mapapanood simula ngayong March 31 ang naturang proyekto sa pamamagitan ng streaming sa iWantTFC at KTX.ph. “Unfortunately tumaas po ulit ang cases ngayon so we decided na for now, we’ll go straight sa streaming para sa safety ng lahat. Siyempre gusto rin namin na mapanood ng lahat ng Kapamilya ‘yung pelikula. Fortunately ngayon mayroon na tayong ganitong paraan. Mayroon tayong digital premiere on March 28,” pagbabahagi ng dalaga.

Mark Anthony, 800 days nang nagwo-workout

Kapansin-pansin ngayon ang pagpayat ni Mark Anthony Fernandez. Ayon sa aktor ay puspusan ang ginawa niyang pagwo-workout para na rin sa kanyang sarili. “Forty pounds na (ang nabawas), tapos mag-i-eight hundred days na akong nagwo-workout dire-diretso mula nang nakalaya ako. Natitigil lang ‘pag may trabaho,” bungad ni Mark Anthony.

Matatandaang nakulong noong 2016 ang aktor sa Pampanga Provincial Jail dahil sa kasong illegal possession of illegal drugs. Kahit noong nakabilanggo pa lamang ay aktibo rin si Mark Anthony sa pagwo-work out sa kulungan. “Kasi umabot sa punto na ayaw akong pag-ensayuhin sa kulungan. Actually pwede ko nga silang idemanda ng gano’n eh, na ayaw nila akong pag-workout-in sa loob ng kulungan no’ng time na ‘yon pero hindi ko ginawa kasi mababait naman ‘yung ibang tao doon,” kwento niya.

Nag-iingat lamang umano para sa sariling kalusugan si Mark Fernandez kaya naisipang magpapayat. Para sa aktor ay puhunan talaga bilang isang artista ang pagkakaroon ng magandang pisikal na hitsura. “Kasi ako talaga bilang artista, pakiramdam ko wala akong dating kapag hindi proper ‘yung weight ko. Umabot pa sa punto na kailangan ko pang ipagdasal ‘yung weight ko. ‘Lord, ibalik Ninyo ‘yung figure ko,’ buti na lang na answered prayer. Salamat kay God,” pagtatapos ng aktor. Reports from JCC

vuukle comment

JANINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with