_ngayon
^
Bea umaming tumaba sa kakainom ng alak!
Bea

Bea umaming tumaba sa kakainom ng alak!

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - March 20, 2021 - 12:00am

Nangangarap nang magkaroon ng sariling pamilya ni Bea Alonzo sa mga susunod na taon. Sa video blog ni Ethel Booba ay ibinahagi ni Bea sa komedyana ang kanyang plano sa buhay. “Gusto ko na magka-baby. Kaya sinasabi ko na sa universe, baka sakaling pagbigyan ako. Gusto ko in three years, kung ako ang tatanungin, if it were up to me, gusto ko three years. Pero siyempre ‘di nga natin alam ano na ang buhay,” pahayag ni Bea.

Ilang artista na ang naging kasintahan ng dalaga at ngayon naman ay nauugnay kay Dominic Roque. Hanggang maaari ay ayaw nang makipagrelasyon sa isang artista ng dalaga pero hindi naman daw pwedeng turuan ang puso pagdating sa pagmamahal. “Preferably sana hindi celebrity, siyempre ‘di mo rin naman mapipili kung saan titibok ang puso mo,” giit niya.

Samantala, inamin din ni Bea sa naturang vlog ang tungkol sa hilig niyang pag-inom ng alak. “Mahilig ako sa cocktails, mahilig akong mag-wine. Sa totoo lang ‘yung wine ang talagang gusto ko. Noong ECQ (enhanced community quarantine) diyan ako tumaba eh. 20 lbs. ang inano (na-gain) ko dahil sa sobrang feeling mo parang bakasyon. Kasi noon lang ako nabigyan ng gano’ng kahabang time na nasa bahay lang. Inom ka lang nang inom tapos sa Zoom e-numan kasi siyempre ‘yung mga friends mo na matagal mo nang hindi nakikita. Ang hilig kong mag-wine. Siguro kung next life time ko, kung afford ko, gusto kong nakatira ako sa ibang bansa tapos may vineyard ako, gano’n,” natata wang pahayag ng aktres.

Andrea, naging mas matapang na

Noong isang linggo ay ipinagdiwang ni Andrea Brillantes ang kanyang ika-18 kaarawan. Marami ang nakapansin sa mga larawan ng aktres sa social media na talagang nagdalaga na raw ito ngayon. Marami tuloy ang nagtatanong kay Andrea kung nakahanda na bang gumawa ng mature roles dahil sa paggamit ng pulang lipstick sa isang larawan sa kanyang Instagram account. “Hindi pa po ako siguro ready for mature roles. ‘Yung nakita n’yo na photo shoot, since wala akong debut, wala akong celebration, nag-isip lang lang ako. Para sa akin hindi naman siya sexy pero may story naman kung bakit ako nag-red lipstick. Kasi si mama, lagi akong nagtatanong dati, ‘Kailan ako pwede mag-red lipstick, Ma? Tapos ang binibigay niya sa aking age ay 18. So ito ang age na pwede na ako mag-red lipstick,” paliwanag ni Andrea.

Hindi pa man nakahanda sa paggawa ng mature roles ay gusto namang magkaroon ng aktres ng ilang pagbabago sa kanyang sarili bilang isang dalaga na. “Mas matapang na siguro ako, mas woman na, gano’n. Pero sa totoo lang hindi ko pa kayang matulog mag-isa, eh,” naka­ngiting paglalahad ng aktres.

(Reports from JCC)

BEA ALONZO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with