_ngayon
^
Angeline, naging bagong nanay sina Sylvia at Eula
Angeline

Angeline, naging bagong nanay sina Sylvia at Eula

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - March 17, 2021 - 12:00am

Hindi inakala ni Angeline Quinto na makakasama siya sa cast ng teleser­yeng Huwag Kang Ma­ngamba. Ang dalaga rin ang kumanta ng theme song para sa bagong programa. “No’ng una ang talagang pangamba ko, baka hindi ko magawa nang maayos dahil nga sa pinanggali­ngan ko no’ng November dahil nga nawala ang Mama Bob. Feeling ko baka hindi pa ako ready na magtrabaho ulit. Tapos ‘yung role ko pa dito bilang si Darling, parang hindi siya nalalayo kay Angeline eh, na talagang bubbly, masayahin, nakakatuwa,” kuwento ni Angeline.

Para sa dalaga ay nakatagpo siya ng isang bagong pamilya dahil sa mga kasamahan sa naturang serye.

Ngayon lamang din naranasan ni Angeline ang lock-in taping na ipinatutupad dahil sa banta ng COVID-19 pandemic. “Kasi araw-araw na nagyayari sa buhay ko laging may kulang na. Kahit ‘yung first time ko na makatrabaho dito sa Huwag Kang Mangamba parang niyakap nila ako agad bilang parang kapamilya at katrabaho. Malaking bagay sa akin ‘yon at sobrang thankful ako dahil bukod sa pagtatrabaho namin sa lock-in taping, sobrang saya lang ng pagsasama ng bawat isa. Nakakapag-open ako kay tita Sylvia (Sanchez) at kay Tita Eula (Valdez). Parang hindi ako nahihiya sa kanila makipagkwentuhan at sa ibang mga cast pa. Sobrang thankful talaga ako,” pagbabahagi ng singer-actress.

Kahit nagluluksa pa rin dahil sa pagkawala ng kinilalang ina ay sumigla raw muli si Angeline dahil sa mga kasamahan sa trabaho. “Mas bumalik ‘yung pagiging masigla ko. Kasi akala ko no’ng una baka hindi ko kayanin. Kahit wala ang mama Bob, ang daming pumalit na nanay so natutuwa ako,” pagtatapos ng dalaga.

Kira nagpasalamat sa friendship ni Grae

Sa Biyernes ay magtatapos na sa Kapamilya Channel ang teleseryeng Ang Sa Iyo Ay Akin na pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria, Iza Calzado at Sam Milby. Kabilang din sa proyekto ang tambalan nina Kira Balinger at Grae Fernandez na mas nakilala sa tawag na KiRae. Hinding-hindi umano makalilimutan ni Kira ang mga eksenang ginawa nila ng aktor sa naturang serye. “Every scene is always memorable with him kasi lagi siyang nagbibigay. Tapos naalala ko pa sa paborito kong scene which was ‘yung aminan, there were times where we would have to cut para ilipat ‘yung ca­mera, tapos the noise was very distracting. So there was a few minutes where I had to like recalibrate and get back into the scene and Grae was there talking back at me like Jake (karakter ni Grae) talaga. Talagang napakalaking tulong ‘yon sa akin no’ng time na ‘yon. So thanks Grae for that,” masayang pahayag ni Kira.

maganda ang turingan nina Kira at Grae kahit na wala sa taping ang dala­wa. Ayon sa aktres ay posible ring magkaroon sila ng espesyal na ugnayan ng binata balang araw. “I will definitely want to thank Grae for the friendship that he’s given me. I’m very grateful na nag-open up din siya sa akin. Thank you Grae for letting me in and getting to know you. Mas nag-uusap kami and nagkukuwentuhan and we eat together, natutuwa ako doon. I would just really like to enjoy the friendship that I have with Grae right now. Pero in the future, we don’t know. Nothing is set in stone. I’m not closing my doors or anything. We both have a lot of maturing to do as of now pero in the future tingnan natin,” makahulugang pahayag ng aktres.

(Reports from JCC)

ANGELINE QUINTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with