_ngayon
^

Komedyante na walang paking naghubo’t hubad sa spa, nilayasan ng mga bading

YUN NA! - Jun Lalin (Pilipino Star Ngayon) - March 15, 2021 - 12:00am

Alam mo, Ateng Salve, naaliw talaga ako sa tsika ng isang bading na kaibigan.

Nakasabay raw kasi niya sa isang spa ang isang kilalang comedian. Med­yo tipsy raw si comedian.

Naloka raw siya dahil wala raw pa­kialam si comedian na naghubo’t hubad sa wet area ng nasabing spa.

“So, natuwa ka ba sa nakita mo?” tanong ko sa bading na kaibigan ko.

“Friend, hindi! Actually, marami ring ibang mga bading sa wet area, nag-alisan nga kami. Parang hindi ko ma-take na masilipan namin si _____! Hahaha!” natatawang sey ng bading na kaibigan ko.

Feeling ko naman ay balewala kay comedian ang ginawa niyang paghuhubo’t hubad, pero ano kaya ang mapi-feel niya kapag nalamang nag-alisan pala ang mga bading sa wet area ng spa dahil sa ginawa niya?

Naku, bakit parang natatawa ka yata, Ateng Salve?! Hahaha!

Nora, abala rin sa pagba-vlog

Masaya ang mga fan ni Nora Aunor dahil kahit COVID-19 pandemic, busy pa rin naman ang Superstar.

May pelikula siya na Kontrabida na produced ni Joed Serrano.

Busy rin sa kanyang YouTube account si Nora kung saan ay panay ang shoot niya ng content.

Nakakabilib nga raw ang kasipagan ng Superstar.

Oo nga pala, hanggang ngayon ay marami pa rin ang umaasa na darating din ang panahon na hihiranging National Artist si Nora.

Kahit mukhang hindi na umaasa ang Superstar sa bagay na ‘yon, ang mga loyal fan naman niya ay hindi nawawalan ng pag-asa.

Sa mga tsikahan nga ng Nora­nians, sinasabi nilang isa sa mga araw na ito ay may himalang mangyayari pa rin at magiging National Artist pa rin ang kanilang idolo.

Well, sana nga dahil karapat-dapat naman talaga si Nora sa karangalang ‘yan, huh!

Ang Sa Iyo… inaasahang pasabog hanggang ending

Inaasahang tututukan ang finale week ng ABS-CBN teleserye na Ang Sa Iyo Ay Akin.

Actually, Ateng Salve, naniniwala ako na matatag talaga ang teleserye na ito ng Kapamil­ya network na pinagbibidahan nina Iza Calzado at Jodi Sta. Maria dahil sa totoo lang, kahit saan ako magpunta, palagi kong naririnig na ito ang topic.

Siguro kung may franchise pa rin ang ABS-CBN at nasa kanila pa ang Channel 2 sa free TV ay napakabongga ng magiging ­rating ng Ang Sa Iyo Ay Akin sa kanilang finale week na start na mamaya pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano!

‘Yun na!

IG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with