^

PSN Showbiz

Negosyong bulaklak at furnitures ni Marian, maraming suki

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Negosyong bulaklak at furnitures ni Marian, maraming suki
Marian
STAR/ File

Nakita ko ang mga bulaklak na ginagawa ni Marian Rivera. Ang dami palang nabili ni Rhea Tan ng Beautederm sa kanya para pang-decoration sa mga bahay nito. Medyo pricey ang dried flowers pero very artistic ang pagkakagawa. At in the long run talagang matipid pa rin dahil nga years ang inaabot nito.

Grabe rin ang ganda ng furnitures niya na talagang inaabot ng mataas ang presyo dahil nga personalized at one of a kind ang bawat piece. Sa rami ng items na nasa bahay ni Rhea Tan ng Beautederm, mukhang siya ang number one suki ni Marian sa negosyo niyang flowers at furnitures.

Kaya naman pala napaka-cooperative at supportive ni Marian sa Beautederm dahil feel niya ang love ni Rhea and vice versa. Bongga!!

Heart, pinagbigyan ang super fan na anak ni Mayor Andeng

Gusto kong magpasalamat kay Heart Evangelista dahil pinagbigyan niya ang request ng anak ni Mayor Andeng Ynares na i-follow ang Instagram nito dahil fan niya si Cassandra Ynares. Kaagad ay ginawa ni Heart ang request na una naming idinaan kay Resty, ang trusted PA niya.

Nag-text agad si Heart sa amin para sabi­hing she will gladly do the request of Cassanda.

So sweet of Heart na isang tawag lang ay sumagot at pinagbigyan ang request ng isang batang fan niya.

Very grateful Heart, and just a text away if we can repay the favor. Thanks, stay safe and happy.

Mga K-actors, parang ang sarap mangagat!

Naku, Salve hah, dahil sa K-drama na-discover ko na unfaithful pala ako. Kasi nga, tuwing manonood ako, nai-in love ako sa bidang oppa, eh sa rami ng napanood ko feeling ko ang dali kong ma-fall in and out of love.

Grabe ha, imagine mo for the longest time na faithful ako kay Jo In-sung, ngayon ang dami ko nang temporary oppa. Parang feeling ko nakapila silang lahat sa labas ng room at hinihintay ako, hah hah hah. Ang gulo na ng dreamland ko, hindi ko na alam kung sino ang leading man ko.

Grabe. Meron akong Kim Soo-hyun, Song Jung-ki, Lee Jun-ho, Kim Woo-bin, Nam Joo-hyuk, ngayon nadagdag pa si Lee Joon-gi. Imagine mo kung lahat iyon ay naging dyowa ko, bongga. Hitsurang iba ibang drama ang ginagawa ko araw-araw sa buhay. Naku, kasi naman walang bagong project si Jo In-sung , hayan, napapalitan tuloy siya sa puso ko.

Ganun pala iyon, puwedeng ang dami mong idols na iniilusyon, hindi tulad nina Rose at Vinia na solid Lee Seung-Gi lang forever. Mas faithful pala sila, ‘di tulad ko na kaladkarin at palipat-lipat hah hah. Naku ewan ko ba, feeling ko talaga ‘pag nanonood ako, ako ang leading lady na partner talaga nila. Hitsurang Bae Suzy ang dating ‘di bah!

Basta, for one week titigil muna ako sa pag-watch dahil  duma­ting na sa punto na pati pagiging vampire ni Lee Joon-gi sa Scholar that Walk by Night, type ko na rin ha, kahit kagatin ako sa leeg, at sipsipin dugo, ok na ha. Grabe ha! (Ang lala na niyan Nay. Kailangan mo talagang pa-rehab, agad-agad. Hahaha.) – Salve.

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with