_ngayon
^

PSN Showbiz

Maja, magtatayo ng sariling management company!

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Maja, magtatayo ng sariling management company!
Maja
STAR/ File

Alam mo, Ateng Salve, excited ako na mainterbyu si Maja Salvador if ever na ma-invite ako ng TV5 sa virtual presscon ng Niña Niño kung saan kasama niya ang child actor na si Noel Comia, Jr. at kapareha naman niya si Empoy Marquez.

Marami kasing mga issue kay Maja na dapat mabigyang-linaw lalo na ‘yung tsikang hindi na raw siya maka­kabalik sa ABS-CBN.

May tsika rin na magtatayo raw ng sariling management company si Maja kasos­yo ang boyfriend niyang si Rambo Nuñez.

Anyway, ang Niña Niño ang sinasabing papalit sa time slot na babakantehin ng Paano Ang Pangako? na pinagbibidahan nina Maricel Laxa, Beauty Gonzalez, Bing Loyzaga, Elijah Canlas, Miles Ocampo at iba pa.

Pero the last time na makatsikahan ko si Perci Intalan na isa sa producers at directors ng nasabing series, naikuwento niyang hanggang March 31 ang extension nila.

Kahapon naman nang maka-chat ko si Direk Perci ay sinabing, “Pinag-uusapan pa nga, eh. May narinig ako na ginawang April 5 ang Niña Niño. Pero ‘di pa confirmed if tuloy.”

Eh, ang sabi, April 12 pa ang pilot telecast ng Niña Niño, nangangahulugan ba na extended hanggang April 12 ang Paano Ang Pangako? na gumanda raw ang ratings after na ilagay sa 7:15 time slot?

Well…

Aktres na sumpungin, binalaang huwag gamitin ang COVID-19 sa katamaran

Iba talaga ang hatid na takot ng COVID-19 pandemic.

Sumama ang pakiramdam ng dalawang anak ng isang kilalang aktres.

Ang unang ginawa ni aktres, nagpa-schedule kaagad siya ng swab test.

Sabi niya, “We need to get a swab test para sure na safe kami pati ang ibang mga makakasama namin bago kami lumabas uli ng bahay!”

Ganoon na talaga ngayon.

Naikuwento ko nga sa isa pang aktres ang tungkol doon. Sabi ko sa kanya, hindi nakakahiyang mag-cancel ngayon ng appointment kapag naramdaman mo na masama ang pakiramdam mo dahil para sa safety ‘yon ng lahat.

Pero after kong ikuwento sa kakilala kong aktres #2 ang tungkol doon, sinabihan ko naman siya na huwag magdadrama na masama ang pakiramdam dahil ayaw lang niyang pumunta sa isang commitment.

Naalala ko kasi na may istorya nga pala si aktres #2 noong araw na kapag sinumpong ng katamaran ay hindi sumisipot sa kanyang mga commitment. Hehehe… ‘Yun na!

MAJA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with