_ngayon
^
Exes nina Martin and Pops, naka-one season na agad
Martin at Pops

Exes nina Martin and Pops, naka-one season na agad

YUN NA! - Jun Lalin (Pilipino Star Ngayon) - March 13, 2021 - 12:00am

Wow, ang bilis talaga ng paglipas ng mga araw. Mamayang 9:00pm na kasi ang finale ng eXes & whYs with Pops and Martin sa Colours channel ng Cignal TV.

Parang kailan lang sila nag-pilot telecast, pero 13thepisode na nila mamayang gabi.

So, may second season pa sila? “They will let us know soon!” sey ni Pops, na ang tinutukoy ay ang Cignal Entertainment na siyang producer ng show (line-producer sila ng manager niyang si Jojie Dingcong under their own production company, Showboxx Media).

Sa plugging ng episode nila mamaya, parang umiiyak si Pops habang kumakanta ang guest nilang si Jaya at sa interview nga ay sinabi pa niyang ang kantang ‘yon na ang hugot song niya. “Hindi ako umiiyak habang kumakanta si Jaya. Baka pagod na ako, kaya parang umiiyak ang hitsura,” sey ni Pops.

Well…

Anyway, marami naman ang naaliw sa episode niya last Wednesday sa kanyang Pops Fernandez Official YouTube channel kung saan ay tinuruan siya ni Ciara Sotto na mag-pole dance.

Actually, naaliw rin si Pops dahil nahirapan siya, pero itutuloy-tuloy na raw niya ang pagpo-pole dance.

Eh, promise pa naman ni Pops na this year ay magkaka-boyfriend na siya, so, by that time kaya ay magaling na siyang mag-pole dance at magpe-perform na siya ng ganoon sa magiging boyfriend?! 

Hahaha…

Iza at Jodi, mas matindi pa ang sampalan

Next week na ang simula ng finale episode ng Ang Sa Iyo Ay Akin ng ABS-CBN at pinagbibidahan nina Iza Calzado at Jodi Sta. Maria.

No doubt na malakas talaga ang series na ‘yon ng Kapamilya network dahil inaabangan ‘yon sa lahat ng platforms na pinaglalabasan nila.

Actually, marami nga ang natuwa na bukod sa A2Z free channel, nadagdag pa ang TV5 sa nagpapalabas ng nasabing Kapamilya series.

Click ang awayan nina Iza at Jodi kaya abang-abang na sila finale episode on March 19.

Pero ‘yung mga hindi na makapaghintay at may iWantTFC app, mauunang makapanood na ng nasabing finale on March 17.

Tama ba ang tsikang umaatikabong bakbakan ang magaganap sa characters nina Iza at Jodi? O baka naman magbabati na ang characters nila?

Well… 

Nakakaaliw nga pala dahil isa si Annabelle Rama sa mga hook na hook sa sa naturang teleserye. Type na type rin ni Bisaya ang mga malulutong na dialogue ng dalawang bidang aktres. Siyempre, kung si Bisaya ang tatanungin, type niyang magsampalan ang characters nila hanggang sa ending ng nasabing Kapamilya series, huh!

 ‘Yun na!

 

POPS FERNANDEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with