^
Sarah, nahirapang magsayaw dahil sa face mask at face shield
Sarah

Sarah, nahirapang magsayaw dahil sa face mask at face shield

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - March 12, 2021 - 12:00am

Abala na ngayon si Sarah Geronimo sa paghahanda para sa Tala: The Film Concert na gaganapin sa March 27. Ito ang kauna-unahang concert ng singer mula nang maikasal kay Matteo Guidicelli noong isang taon. Mapapanood ang naturang concert sa pamamagitan ng ktx.ph and iWantTFC. Ngayon lamang ulit makapagtatanghal si Sarah pagkatapos ng ilang linggong hindi napanood sa ASAP Natin ‘To! “At first parang napaisip din po ako, nag-worry din ako. Paano na ‘yung work ko, ang dami ko pang gustong gawin. Ang dami ko pang gustong ibahagi sa mga tao. Kumbaga, to give back sa lahat ng mga blessing na naibibigay at tiwala sa akin,” bungad ni Sarah.

Medyo nahirapan ang Popstar Royalty ngayon sa rehearsals para sa nalalapit na concert dahil sa safety protocols na ipinatutupad dahil pa rin sa banta ng covid-19 pandemic. “At first nga po medyo challenging kasi nga kailangan lagi kang naka-face mask and face shield. Pero we made sure na everyone is tested. So negative naman po lahat ng nasa (dance) studio. Medyo mahirap din kasi na nagda-dance ka na naka-mask ka and face shield. Social distancing pa rin,” pagbabahagi ng singer.

Masayang-masaya si Sarah dahil mu­ling nagkaroon ng concert para sa lahat ng tagahangang walang-kupas na sumusuporta sa kanya. “I am grateful to our producers sina Boss Vic (del Rosario) na sumusugal pa rin at naniniwala na kaya. At saka all the more na kailangan natin ng mga ganitong klase na nakikita at naririnig ng tao, to give us hope, entertainment, happiness and joy,” pagtatapos ng singer-actress.

Baron, hindi na kinatatakutan

Nakapagpagupit na ng buhok si Baron Geisler pagkalipas ng mahigit limang taon. Ayon sa aktor ay talagang nakatulong sa kanyang mga ginampanang karakter sa mga nagdaang taon ang pagkakaroon niya ng mahabang buhok. “Ang tagal din, nakatulong sa character ko ‘yung hair ko dati. Parang naging statement din kasi siya like do’n sa role ko sa Ang Probinsyano at sa Tililing. Kung hindi siguro gano’n ‘yung hair ko, baka hindi rin ako nai-cast,” paglalahad ni Baron.

Mayroong bagong proyektong ginagawa ang aktor ngayon kaya kinailangang pagupitan na ang mahabang buhok. “Kailangan sa isang serye na ilalabas sa TV5 eh kaya ako nagpa-cut. Gusto ko rin ng new look at nire-require ‘yon ng cha­racter na gagampanan ko,” pagtatapat niya.

Hindi na rin daw kinatatakutan si Baron ng ibang tao dahil mas maayos na ang itsura ng aktor ngayon. “Hindi na sila natatakot lumapit sa akin at kausapin ako. Kasi pakiramdam nila ang bait-bait ko na dahil sa bago kong hair,” natatawang pahayag ng aktor. (Reports from JCC)

SARAH GERONIMO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with