^

PSN Showbiz

4th EDDYS mapapanood sa FDCP channel

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
4th EDDYS mapapanood sa FDCP channel
Liza

MULING nagsanib-puwersa ang Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) at ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) para sa ikaapat na edisyon ng EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) na magaganap sa Marso 22.

Sa ikatlong pagkakataon, buo pa rin ang suporta at tiwala ng FDCP sa SPEEd, pati na rin sa EDDYS, ng pamunuan ni Chairperson at CEO Liza Diño.

Virtual idaraos ang 4th EDDYS kung saan magtatagisan ng galing at husay ang mga de-kalibreng pelikulang Filipino na ipinalabas sa iba’t ibang platforms sa kabila ng Covid-19 pandemic.

Labing-apat na kategorya ang paglalabanan, kabilang na ang Best Picture, Best Director, Best Actress at Best Actor.

Worldwide ito puwedeng mapanood sa pamamagitan ng streaming sa iba’t ibang platforms, tulad ng SPEEd Facebook page, sa YouTube channel ng mga miyembro ng SPEEd at sa official FDCP channel (fdcpchannel.ph).

Bukod sa FDCP, ang iba pang katuwang ng SPEEd sa pagdaraos ng 4th edition ng Entertainment Editors’ Choice ay ang Beautederm Corp., Toktok courier service/delivery app (major sponsors), San Miguel Corp., Tiger Crackers, Smart Shot at Cong. Nina Taduran ng Patrylist na ACT-CIS.

Tulad ng mga nakaraang taon, ang auditing firm pa rin nina Juancho Robles (Chan Robles & Company, CPAs) ang mamamahala sa pagbibilang ng mga boto para sa ikaapat na edisyon ng EDDYS.

Sa Lunes, Marso 15, lalabas ang listahan ng mga nominado sa acting at technical categories.

Bukod dito, ilulunsad ng SPEEd ang Isah V. Red Award bilang pagkilala at pag-alala sa yumaong founding president ng grupo na si Isah V. Red.

Unang tatanggap ng IVR award sina Senator Bong Revilla Jr., Angel Locsin, Kim Chiu, Ramon Ang, Rei Anicoche-Tan at Claire de Leon-Papa para sa kahanga-hanga at walang katulad na pagbabahagi ng tulong sa mga Pilipinong naapektuhan ng global health crisis.

Ang EDDYS Icon awardees naman ngayong 2021 ay sina Gloria Sevilla, Ronaldo Valdez, Pilar Pilapil, Boots Anson-Rodrigo, Gina Pareño, Dante Rivero, Tommy Abuel, Caridad Sanchez, Joel Lamangan at Ricky Lee.

Samantala, ang recipients ng EDDYS special awards na Joe Quirino Award ay ang TV-radio host-columnist na si Lolit Solis; Manny Pichel Award, entertainment columnist Mario Bautista; Rising Producers’ Circle, Blacksheep Productions; Producer of the Year, The IdeaFirst Company.

Bibigyan naman ng posthumous recognition sina Peque Gallaga, Tony Mabesa, Menggie Cobarrubias, Ramon Revilla Sr. at Tony Ferrer.

Ang SPEEd ay samahan ng mga entertainment editor ng major broadsheets at tabloids sa bansa.

EDDYS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user