^
Yassi, abala sa negosyo
Yassi

Yassi, abala sa negosyo

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - March 11, 2021 - 12:00am

Kamakailan ay nawala na sa FPJ’s Ang Probinsyano ang karakter ni Yassi Pressman bilang si Alyanna. Para sa aktres ay malaking bahagi ng kanyang showbiz career ang pagkakasama sa teleseryeng pinagbibidahan ni Coco Martin. “Gusto ko pong magpasalamat sa lahat ng nanood ng Ang Probinsyano, sa pagmamahal n’yo, ramdam na ramdam po namin. Sa mahigit na five years, grabe naging pamilya ko na talaga ang Probinsyano. This was a big step din pero kailangan na rin pong umikot ng kuwento. I am grateful for the ending na ibinigay kay Alyanna,” nakangiting pahayag ni Yassi.

Sa loob ng limang taon ay naging isang pamilya na ang turingan ng lahat ng kasama sa naturang serye. Aminado si Yassi na talagang hinahanap-hanap na niya ngayon ang mga kasamahan sa programa. “Siyempre, sobra. Tini-text ko pa rin sila. Tini-text pa rin nila ako. Nakaka-miss kasi real family ‘yon eh,” giit ng aktres.

Ngayon ay abala si Yassi sa negosyong pag-aari kasama ang kapatid at ilang mga kaibigan. “Meron kaming new company, kami ng kapatid ko and some friends. We just opened an oral hygiene company. Very exciting din,” pagtatapos ng dalaga.

Sharon never na-insecure

Walang naging problema kay Sharon Cuneta ang matawag na MILF sa pelikulang Revirginized mula sa Viva Films. Mayroong maseselan na eksena ang Megastar kasama si Marco Gumabao sa bagong proyekto. “I’m sorry ha pero nakakatawa baka sabihing OA, pero sabi ko pa, I’m honored. Ibig sabihin, when you’re called that you can take it two ways. Ba’t ko seseryosohin? It means you’re desirable to younger men. I can be offended depende sa nagsasabi sa akin. Project ito para isipin na puwede akong makita nang gano’n, ng mas bata sa akin, medyo flatte­ring ‘yon. pero nasa nagsasabi sa ‘yo ‘yon, na hindi ka binabastos, well MILF exists,” natatawang pahayag ni Sharon.

Samantala, malaki ang pasasalamat ng aktres dahil marami pa rin siyang ginagawang proyekto kahit maraming mga baguhang artista na ang sumisikat ngayon. “Akala ko I’d do a couple of movies and then retire, pero come to think of it, I’m very grateful that I’m still here. You know what, when you’re successful hindi ka madamot eh. You want other people to succeed also. Kasi walang aagaw sa puwesto mo. Isa ka lang eh, lahat sila puwedeng gayahin ka. Pwedeng may sumikat kesa sa ‘yo ngayon, pero isa ka lang. Hahanap-hanapin ka rin,” giit ng Megastar.

Para kay Sharon ay hindi dapat magkaroon ng insecurity ang isang sikat na artistang katulad niya. “Lahat tayo merong space for everybody. Kaya nga bilyun-bilyon tayo sa planeta dahil lahat tayo merong gagawin. So I’ve never been insecure. I’ve never been selfish. I’ve never been afraid. Ang promise ko sa sarili ko, pag-alis ko sa showbiz ang puso at kaluluwa ko parehong-pareho pa rin no’ng bago ako pumasok sa showbiz. Gano’n ako prinipare ng parents ko. Proud ako do’n kasi I keep my friends, I keep my souls, I keep my heart and I’m true to myself, that’s what matters,” makahulugang pahayag ng aktres.

(Reports from JCC)

YASSI PRESSMAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with