_ngayon
^
Carlo, muntik sukuan ang career
Carlo at pamilya
STAR/ File

Carlo, muntik sukuan ang career

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - March 10, 2021 - 12:00am

Minsan na raw sumagi sa isip ni Carlo Aquino na iwanan na ang show business dahil sa kawalan ng trabaho. Naisipan umano ng aktor na bumalik sa pag-aaral at makapagtrabaho sa ibang bansa upang patuloy na masuportahan ang pamilya. “May time kasi na wala masyadong ginagawa, wala masyadong project, or project pero mga indie. Siyempre kapag mga gano’n, hindi naman gano’n kaganda ‘yung TF. Kailangan ko mag-support for the family. Inisip kong mag-ibang bansa pero mag-a-aral muna ako kasi hindi rin naman ako nakapagtapos. ‘Yung desisyon na ‘yon dahil kailangan kong makapag-provide for the fa­mily,” pagtatapat ni Carlo.

Hindi natuloy na talikuran ng aktor ang pagiging isang artista dahil kahit paano ay may dumarating sa kanyang mga proyekto. “Thankful talaga ako dahil parang ginawa ako para makaarte. Gusto kong umarte hanggang kaya ko,” giit niya.

Samantala, masa­yang-masaya si Carlo bilang isa nang ganap na ama ngayon. Ibang kaligayahan ang nararamdaman ng aktor sa tuwing kasama ang kanyang mag-ina. “Masarap, sobrang humaba ‘yung pasensiya ko. Nag-iba ‘yung inspiras­yon. Kasi ever since talaga gusto ko na magka-baby. Mahilig talaga ako sa bata. Basta kapag makikita mo ‘yung anak mo, parang buo ka,” makahulugang paliwanag ng aktor.

Billy at Coleen, nakaramdam ng takot bago nagkatrabaho

Mula nang maipasara ng Kongreso ang ABS-CBN noong isang taon ay binalak nina Billy Crawford at Coleen Garcia na manirahan na sa ibang bansa. Ayon kay Billy ay talagang nakaramdam siya ng pangamba kung paano bubuhayin ang pamilya lalo pa’t mayroong pandemya. “No’ng nawalan kami ng trabaho after ABS-CBN, medyo parang at one point, may mga times na nag-uusap ka­ming mag-asawa na, ‘Anong gagawin natin? Iwan na lang ba natin lahat? Tapos lipat na lang tayo ng ibang bansa?’ May mga tipong life decisions na kailangang gawin. Kasi hindi madali mag-outlook o magtanaw ng positivity sa lahat na negative na nangyayari sa paligid mo,” pagbabahagi ni Billy.

Maraming beses na iniyakan ng mag-asawa ang pagkakasara ng Kapamilya network. Malaki ang pasasalamat ng TV host dahil mayroon pa ring mga proyektong duma­ting sa kanya sa ibang istasyon. “Ang number one na natutunan namin is nagtiwala kami sa Panginoon. Nagdasal kami nang todo-todo at iniyakan naming pamilya kung ano talaga ang kailangan naming gawin. And we are slowly climbing that wall, and until now, kahit anong mangyari. I’m just really thankful na meron akong blessing. Meron akong mga shows sa TV5. Dito ko tinanim ‘yung sinabi sa akin ng tatay ko na, ‘There’s no such things as problems.’ Kasi lahat ng problema, may solusyon. Hanggang ngayon, tinanim ko pa rin iyon sa puso at sa isip ko. Kaya no matter what pandemic season, there is or coming or dealing. Ang pinaka-importante is we have to look forward and we have to do what’s right for our family. I’m happy na alam mong nakakangiti ako paggising natin sa umaga. Hindi tayo napapakamot sa ulo kung ano ang gagawin ko bukas, ano ang gagawin ko next week? I have a lot of things to do. Alam mo ‘yung drive, lalo na’t nandiyan ang anak namin ni Coleen, mas lalo kaming sumisipag,” paglalahad ng aktor.  Reports from JCC

BILLY CRAWFORD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with