_ngayon
^
Sam at Anthony, may big wedding pa sa December
Sam at Anthony
STAR/ File

Sam at Anthony, may big wedding pa sa December

YUN NA! - Jun Lalin (Pilipino Star Ngayon) - March 10, 2021 - 12:00am

Mukhang puyat ang PBA player na si Anthony Semerad sa honey­moon nila ng misis na si Sam Pinto, kaya after lunch na siya nakapag-reply sa text ko nang kumustahin ko ang kasal nila noong Monday sa Conrad Manila.

Nag-text ako sa kanya para sana sa details ng kasal nila.

Ang sagot ni Anthony ay, “Thank you, Mate. Civil wedding in Conrad Manila. Guests: Sam’s mum and sister, David (his twin), Gwen (Zamora) and Cooper (his nephew).

“Bigger wedding in December with family and friends from Australia since they couldn’t make it.”

Wow, so may big wedding naman pala sa December. Actually, ang mag-asawang David at Gwen din naman, nagbabalak din ng big wedding dito sa atin since iilan nga rin lang ang naka-attend sa kasal nila sa France noong February 13.

Congratulations, Anthony and Sam!

Jaya, susundan na ang asawa sa Amerika

Hindi pala tuloy si Erik Santos bilang co-host ni Chemist Pinky Tobiano sa third season ng online show na Grateful Tuesdays na napapanood sa Cornerstone Entertaiment, Inc. at Chemist Pinky Tobiano Facebook pages at sa CS Entertainment Kumu page.

Sa March 16 na uli ang simula nila at excited si Pinky na marami na naman silang matutulungan.

Actually, kahit nag-season break sila, patuloy pa rin sa pagtulong si Pinky.

Anyway, nabanggit ni Pinky na hindi lang dito sa Philippines sila tutulong sa kanilang Grateful Tuesdays dahil worldwide daw ‘yon, kaya naman nang tanungin ko si Jaya at mabanggit niya na marami rin siyang mga pinagdaraanan at desisyon na kailangang gawin.

Inusisa ko na rin ang singer/actress tungkol sa nabalitaan ko na susundan na niya sa Amerika ang kanyang mister (pati ang stepson niya).

Hindi naman nagkaila si Jaya at sinabing ‘yon nga ang desisyon niya.

Family first daw, kaya kailangan niyang sumunod na rin sa Amerika.

Pero sinabi rin naman niyang puwede naman siyang magpabalik-balik dito kung may mga project na kailangang gawin.

May mga bagay-bagay pa raw siyang dapat ayusin at commitments na dapat tuparin, kaya tatapusin daw muna niya ang mga ‘yon bago siya pumunta ng Amerika.

Actually, sa galing naman ni Jaya, for sure, magpapabalik-balik nga siya rito sa atin dahil marami pa rin talaga ang gustong kumuha sa kanyang serbisyo.

Oo nga pala, thankful si Jaya na kinuha siya ni Pinky na maging co-host sa Grateful Tuesdays third season.

At least, silang dalawa naman ni Zephanie ang makakasama ni Chemist Pinky sa pagtulong sa mga nangangailangan!

So nice. ‘Yun na!

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with