^

PSN Showbiz

Aktor na nagkakaedad na, nahuli ng tatay na naninilip ng kasambahay!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Sa isang lock-in taping ay pinagpistahan ang mga kalokohan ng isang male personality nu’ng kasagsagan ng kanyang kabataan. Sobrang init pala ng kanyang libido nu’n, aktibo ang kanyang sex life, ginagawa niya ‘yun sa maraming paraan.

Guwapo at matipuno ang katawan ng lalaking personalidad na ito, maraming nagkakagusto sa kanya, nagkaroon sila ng anak ng isang magandang aktres na aktibo pa rin sa pag-arte hanggang ngayon.

Kuwento ng isang source sa umpukan, “Matindi na siya kahit nu’ng batambata pa lang siya, very active ang sex life niya, hindi puwedeng lumipas ang maghapon nang hindi siya nagpapakawala ng init ng katawan niya!

“Alam ‘yun ng mga katropa niya, kinakabog niya ang lahat dahil talagang sobrang init ng libido ng male personality na ‘yun!” tawa nang tawang unang sultada ng aming impormante.

Walang pinalalampas na pagkakataon ang bagets pang male personality nu’ng mga panahong ‘yun, pinagtitripan niya sa pagpapaalpas ng init ng katawan niya kahit ang mga kaeksena niyang artista, nakagagawa siya ng paraan para magawa ang gusto niya.

Patuloy ng aming source, “Kunwari, kaharap niya ang isang female personality na sexy at maganda, magkukubli lang siya sa kung saan, nagagawa niya na ang gusto niya!

“Puwede rin namang pupunta muna siya sa CR, du’n siya mag-e-exercise, taas-baba lang ang kanang kamay niya at presto! Natagpusan na ng male personality ang init ng katawan niya!

“Ganu’n siya katindi! Marunong siyang pumaraan! Ano bang sangkatutak ang tao sa set, nagagawa niya ‘yun!” kuwento pa ng aming source.

Paano naman kapag sumusumpong ang libido niya kapag nasa bahay na siya? Ano naman ang ginagawang paraan ng male personality?

Dagdag na kuwento ng aming impormante, “Meron pa rin siyang nagagawang paraan! Na-Julie Andrews siya mismo ng father niya habang sinisilipan ang naliligo nilang kasambahay!

“Gumamit pa ng hagdan ang mokong habang nakababa ang shorts niya, batibot siya nang batibot, galit na galit ang tatay niya!

“Nagkakaedad na siya ngayon, nabawasan na siguro ang kainitan ng katawan niya, pero guwapo pa rin siya, nadagdagan lang ang timbang niya!

“Kung sino siya? Mula siya sa pamilya ng mga artista, kontrabida ang role niya palagi, pero kabaligtaran niya naman ‘yun sa tunay na buhay dahil mabait siya at marunong makisama sa mga katrabaho niya,” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Kim, pinupuri sa pananahimik kay Gerald

Sabi nga, silence is the sweetest sound, walang tatalo sa pananahimik, dahil less talk, less mistake.

Tama ang ginagawang pananahimik lang ni Kim Chiu sa anumang isyung may kinalaman sa lantad nang relasyon ngayon nina Ge­rald Anderson at Julia Barretto.

Kahit anong tanong pa ang ibato kay Kim ay ngiti lang ang kanyang isinasagot, hindi siya nakikisawsaw, kahit siya pa ang unang nakarelasyon ng aktor ay ano pa nga naman ang mapapala niya kung magbibigay siya ng komento ngayon?

Pero maraming puwedeng ikuwento si Kim kung gugustuhin lang niya. Marami pang nakakaalala sa matindi niyang paghagulgol nang mag-break sila ni Gerald dahil ang ipinalit nito sa kanya ay ang bestfriend niya pang si Maja Salvador.

Pero bakit pa nga naman niya babalikan ang istoryang ‘yun, samantalang masaya-maligaya na siya ngayon, dahil meron na siyang Xian Lim?

Ang paniwala nga nu’n ng malalapit kay Kim ay pinagsabay rin sila ni Gerald sa isang panahon lang ni Maja. Parang kuwento rin nina Bea Alonzo at Julia Barretto.

Kaya nga hindi na bago para sa nakararami ang ginawa ni Ge­rald kay Bea, dati na nitong ginagawa ang pagsasabay ng girlfriend, idedenay lang nito sa una pero nabubuking din naman si Gerald sa bandang huli.

Maganda ang imahe ni Kim Chiu. Hindi siya nakikialam sa buhay ng may buhay. At napakabilis niyang magkomento ng papuri tungkol sa mga kasamahan niyang personalidad kung kinakailangan.

Sabi ng isang source, “Naaalala pa namin, nu’ng bumaha nang matindi at lumubog ang subdivision na tinitirhan nina Gerald at Kim, bidang-bida si Gerald nu’n dahil iniligtas niya ang family ni Kim.

“Para siyang knight in shining armour nu’n, nakasalbabida siya, nilangoy niya ang bahay ni Kim, pero pagkatapos nu’n, e, nangyari na nga ang paghihiwalay nila. Pumasok na sa eksena si Maja,” komento ng aming kausap.

Nga pala, sa pagkawala ni Maja Salvador sa ASAP Natin ‘To ay si Kim Chiu na ang mayhawak ng titulong “Queen of The Dance Floor” na karapat-dapat lang naman, dahil talagang napakahusay sumayaw ng young actress.

 

vuukle comment

ACTOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with