_ngayon
^
Pandemic wedding nina Richard at Sarah, naka-isang taon na
Richard at Sarah

Pandemic wedding nina Richard at Sarah, naka-isang taon na

YUN NA! - Jun Lalin (Pilipino Star Ngayon) - March 9, 2021 - 12:00am

Sa Sunday ang first wedding anniversary nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.

Common knowledge na ‘yung big wedding sana nila noong March 14, 2020 ay hindi nila itinuloy dahil sa COVID-19 pandemic.

Gabi ng March 12, 2020 nila in-announce na hindi na nga tuloy, pero hindi nila kaagad sinabi na may desisyon na sila na magkaroon ng simple wedding na ang isa sa mga witness ay ang twin-brother ni Richard na si Raymond Gutierrez.

So, noong late afternoon ng March 14 ay itinuloy pa rin nina Richard at Sarah ang  wedding at ginanap ‘yon sa office ni Mayor Lino Cayetano sa may SM Aura at isang pastor ang nagkasal sa kanila, pero in-announce lang nila ang tungkol doon nang nasa reception na kami sa Samba restaurant sa Shangri-La The Fort.

Marami ang nagulat dahil tahimik lang sila noong una.

Sabi naman ni Annabelle Rama nang sabihan niya ako tungkol doon, ayaw na nilang ipagsabi pa ito dahil ilan nga lang ang allowed doon.

Sa wedding reception, mga 20 lang kami.

Anyway, kahapon ay tinanong ko si Sarah kung ano ba ang plano nila ng kanyang mister sa kanilang first wedding anniversary on Sunday, pero ang sabi niya, wala pa talaga silang napag-uusapan. Palagi naman daw silang nagde-date basta puwede. “No plans yet. Everyday naman kasi sa amin is anniversary day. Everyday is Valentine’s day. Hahaha.

“So, no pressure kumbaga,” sabi pa ni Sarah.

Feeling ko lang, Ateng Salve, baka mag-out of town sila kasama ang mga anak na sina Zion at Kai.

Baka mag-beach ang mga ‘yan dahil talagang ‘yan din ang hilig nila, huh!

Assunta at Jules, minamadali na ang binyag ni Fiore

Sa March 23 ay five months old na si Baby Fiore ng mag-asawang Jules Ledesma at Assunta de Rossi.

Sa araw na ‘yon ay pabibinyagan na ng mag-asawa si Baby Fiore.

Sabi ni Assunta, hindi naman big cele­bration. Bale anim lang silang allowed sa simbahan.

Isang ninong at isang ninang lang daw ang kukunin nila.

“I-share ko na lang ang pictures sa ‘yo,” sabi niya nang magkakuwentuhan kami.

Kahit silang magkakapatid daw, tig-isang ninong at ninang lang. Pati raw si Jules ay ganoon din, kaya tig-isang ninong at ninang din lang daw si Baby Fiore.

“Importante na mabinyagan na siya. Lumalaki na kasi. Kailangan na ring maipasuot kay Fiore ang padalang damit ng Nanay ko para sa binyag. Baka kasi kung patatagalin pa, hindi na magkasya,” natatawa pang kuwento pa ni Assunta.

So nice. ‘Yun na!

RICHARD GUTIERREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with