^

PSN Showbiz

Nanay ni Beth, tinulungan nina Sharon at juday na ipa-chemo

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Nanay ni Beth, tinulungan nina Sharon at juday na ipa-chemo
Adam at Beth

Nagkaroon kami ng pagkakataong makapanayam si Beth Tamayo kahapon ng umaga kasama ang kanyang asawang si Adam Hutchinson.

Mahaba ang tsikahan namin sa PEP Troika at sinasagot ni Beth lahat ng isyu lalo na ang pinagdaanan niya nang umalis siya ng bansa dahil nadawit siya sa mga kasong kinasangkutan ng una niyang asawa.

Aminado si Beth na talagang mahirap ang pinagdaanan niya at nagsimula siya sa scratch na mabuti at may mga kaibigan siyang talagang tumulong sa kanya at hindi siya pinabayaan nang dumating sa Amerika.

Ang dami niyang trabahong pinasok gaya ng pagiging baby sitter, kahera sa Victoria’s Secret, sa restaurant at talagang kayod siya. “It’s good my best friend, she’s based in New York. She’s one of my best friends since third grade. I stayed with her for eight months until I can afford to rent a room, not even a house, nor a studio. Isang room na para akong nasa Pinoy Big Brother.

“Marunong din ang Diyos. I’m super lucky with my friends,” pahayag niya.

Sa mga kaibigan niya sa showbiz, sina Judy Ann Santos at Sharon Cuneta ang talagang hindi raw nagpabaya.

Parang pamilya na raw ang turingan nila ni Judy Ann na siyang nag-asikaso rito lahat. Noong magkasakit daw dito ang mommy niya na kailangang i-chemotherapy, si Juday daw lahat ang tumulong. “My mom got sick, Juday helped, si Ate Sharon helped also sa chemotherapy. She’s okay now. My family can’t afford it. Ako lang naman ang inaasahan sa pamilyang ito at that time. Anong ipambabayad ko sa chemotherapy? Sobra-sobra ang pasasalamat ko sa kanila,” lumuluhang pahayag ni Beth.

Minsan nga nang mag-show si Sharon sa Canada ay dumaan daw sa New York at nagpaabot pa ng tulong. “She knows the story or whatever. First time na nag-show siya sa Toronto na dumaan siya ng New York, I spent time with her. She gave an envelope for me na I know you’re starting or whatever… you know… something to help. I was crying, oh my God mababayaran ko na credit card ko!” patuloy na kuwento ni Beth tungkol sa mga tulong na ipinapaabot ng mga matatalik niyang kaibigan kagaya nina Juday at Sharon.

Ngayon ay sobrang saya na ng aktres, kasama ang asawa niyang naging boyfriend niya for four years. Alam daw ito lahat ni Adam at walang itinatago sa kanyang asawa.

Tuloy pa rin daw ang kaso hanggang ngayon at inaasahan niyang maaayos din ito at maharap na niya pagbalik ng bansa.

Hindi naman daw puwedeng iwan ang trabaho niya sa Amerika at harapin itong kaso dahil tiyak na matatagalan ito.

Ngayon ay naka-focus muna siya sa pagiging Mrs. Hutchinson at ang nasa number one priority nila ay ang magka-baby. Hirap daw siya sa pagbubuntis kaya okay lang sa kanilang mag-asawa na dumaan sa in vitro fertilization.

Dumaan sila sa proseso hanggang sa nagpa-store na sila ng kanilang eggs at inaayos na lang ang schedule na magpa-inject para ipagbubuntis na niya ito.

Iyon naman kasi raw ang hinihingi ng mommy niya na mabigyan daw siya ng kahit isang apo lang.

Nakikita pa rin ni Beth ang sarili na sa Pilipinas magri-retire kasama si Adam at ang kanilang magiging anak.

Character actress na nag-who are you sa magaling na aktres, kinabuwisitan

Medyo irita ang nakatsikahan kong staff ng isang daily show na kung saan nag-guest doon ang isang character actress.

Sa taping noong araw na iyon ay absent ang isang main host, kaya nag-pinch hit ang isang magaling na aktres na ilang acting award na rin ang natatanggap nito. Bago nagsimula ang taping ay nagkaroon ng briefing, at ipinaliwanag kay character actress kung ano ang gagawin, at kung sino ang makakasama niya.

Naloka ang mga staff nang magsimula nang mag-take dahil noong ipina­kilala na ng hosts ang guest, bumati na si character actress. Kilala niya ang isang main host, pero pagdating kay magaling na aktres na nag-pinch hit doon ay walang kagatul­-gatol na tinanong ng “who are you?”

Biglang natahimik daw sa loob ng studio, pero napangiti lang si magaling na aktres at buong pagpapakumbabang nagpakilala sa kanya.

Iritable ang ilang staff dahil na-brief naman daw silang lahat, bakit humirit pa itong si character actress na tanungin ang nag-pinch hit na aktres na mas may acting awards pa kesa dito sa character actress na ito. Puwede naman daw nagtanong muna sa staff bago siya isinalang para hindi naman mapahiya itong si magaling na aktres.

Pero nairaos naman ang taping at malamang na na-edit naman ang part na iyon na kung saan nagkaroon ng awkward moment sa taping.

vuukle comment

BETH TAMAYO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with