_ngayon
^

PSN Showbiz

Iza, hindi nag-adjust kay Ian

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Iza, hindi nag-adjust kay Ian
Ian at Iza

Muling nagkatrabaho sina Iza Calzado at Ian Veneracion para sa digital series na B&B: The Story of the Battle of Brody and Brandy. Mapapanood ito sa pamamagitan ng WeTV at Iflix.

Hindi na raw nagkailangan sina Iza at Ian sa bagong proyekto kahit mahigit apat na taon na ang nakalilipas nang huling nagkatrabaho. “No adjustments, it never felt like we were apart. I always just felt his energy was there. That’s how I feel about Ian. To be reunited in this project, it’s actually just being us in real life except of course, we don’t say these romantic things to each other. It’s us being us. No adjustment at all. We were having so much fun,” pagbabahagi ni Iza.

Ayon sa aktres ay malaki talaga ang naitulong sa kanya ni Ian upang mas mapadali ang kanilang trabaho para sa taping. “He brings out a lot of sides of me. Totoo kasi mapa-drama, mapa-horror, nag-psycho thriller din kami. Parang feeling ko it’s always like a meeting of minds and hearts whenever we do a scene. We’re just on the same page. We were only together for six days pero feeling ko nag-bond kasi siguro maganda ‘yung energy sa set,” kuwento ng aktres.

Juris nakakaranas pa rin ng stage fright

Kahit matagal na sa industriya bilang isang singer ay nakararanas pa rin umano ng stage fright si Juris Fernandez sa tuwing magtatanghal sa entablado. “When you get on stage and you perform and the singing itself which you enjoy doing, nawawala naman ‘yung pakiramdam na ‘yon. A few minutes before the show ako definitely gano’n, may nararamdaman,” pagtatapat ni Juris.

Hindi pa nasusubukan ng singer na maging hurado sa isang singing competition. Para kay Juris ay mukhang mahirap din ang tungkulin bilang isang hurado ng contest. “I haven’t tried it pero fee­ling ko ang hirap. I don’t know actually how to express my opinions with other singers also but I guess it’s a good thing na mase-share mo din ‘yung makakatulong ka to improve someone,” pahayag niya.

Samantala, mahigit isang taon nang hindi nakakapunta sa mall si Juris at ang kanyang pamilya dahil sa banta ng COVID-19 pandemic. Hindi raw masyadong lumalabas ng bahay ang singer dahil nakararamdam ng takot para pamilya. “Hindi pa kami nakapag-mall. May kapraningan pa rin talaga ako. For me okay ‘yung mas praning ka kasi especially dito may kids din and ‘yung mga magulang ko, they’re senior citizens. Kung meron mang labas, kailangan because of work kasi kailangan naman talagang ituloy. So lahat ng mga kailangang gawin, lahat ng spray meron ka, social distancing hanggang maaari, praning ako,” paglalahad ng singer. -Reports from JCC-

IAN VENERACION IZA CALZADO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with