_ngayon
^
Donita, kaliwaât kanan ang trabaho sa Amerika
Donita

Donita, kaliwa’t kanan ang trabaho sa Amerika

YUN NA! - Jun Lalin (Pilipino Star Ngayon) - March 8, 2021 - 12:00am

Alam mo, Ateng Salve, ‘katuwa rin ang mga kuwentong naririnig ko about Donita Rose na based na ngayon sa Bay Area sa California kung saan kaliwa’t kanan ang kanyang ginagawa.

Actually, pati sa Los Angeles ay nagpupunta siya.

Madalas ngang nagke-cater ngayon si Donita. Tapos naman kasi ng culinary course ang dating MTV Asia VJ at certified chef siya, kaya ang ga­ling niyang mag-prepare ng dishes.

May nakapagkuwento nga sa akin na may isang group of friends na nagpa-cater sa kanya para sa get-together nila at sob­rang humanga sa sarap ng mga pagkaing inihanda ni Donita.

Sa tuwa raw ng mga ‘yon, lahat sila ay nagbigay ng tips at nagulat daw si Donita sa kanyang natanggap.

May nagtsika rin sa akin na tatanggapin (o tinanggap na?) ni Donita ang offer sa kanya ng businessman na si Niño Lim (mister ng dating aktres na si Krista Ranillo) para mag-work sa company nito.

Sabi nga, magmo-move raw si Donita sa L.A. para sa trabahong ‘yon.

At least, she’s doing great sa California at puwedeng sabihing tama ang desis­yon niyang bumalik doon, huh!

Rufa Mae, panay ang travel para sa vlog

Si Rufa Mae Quinto naman, mukhang matatagalan pa rin sa Amerika.

Sa last chat namin ni P-chi (palayaw niya), ikinuwentong sa Bay Area rin sila nakatira ng kanyang mister at anak na babae, pero madalas din siyang magpunta sa L.A.

The last time na katsikahan ko nga siya, nasa Newport Beach ang dating sexy actress.

Sabi niya, nagta-travel daw siya sa ibang lugar once a month para bongga rin daw ang content ng kanyang vlog. Sa ngayon kasi, ‘yon ang pinagkakaabalahan niya.

“Traveling once a month para winner ang vlog and para masaya rin dahil may ganap. Hahaha!” sey ni P-chi.

Last Friday nga, sa Las Vegas, Nevada naman daw nagpunta ang sexy comedian.

Nabanggit din ni P-chi na sobrang tutok siya sa kanyang daughter dahil ‘yon din ang kaligayahan niya at, “Alam mo naman dito, ikaw na lahat, kaya tutok siyempre ako sa daughter ko.”

Well, at least, dahil nasa Amerika nga sila based ngayon, talagang si Rufa Mae ang nag-aasikaso ng lahat-lahat!

So nice. ‘Yun na!

DONITA ROSE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with