^
Joshua, may disclaimer sa âcongratulationsâ kina Gerald at Julia!
Joshua
STAR/ File

Joshua, may disclaimer sa ‘congratulations’ kina Gerald at Julia!

Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - March 7, 2021 - 12:00am

Mabilis na ikinorek ni Joshua Garcia ang isang Facebook post na kino-congratulate niya sina Gerald Anderson and Julia Barretto (well, na hindi na masyadong surprise ang pag-amin ni Gerald na maligaya sila ni Julia). “FYI po, this one is not mine and I don’t have any active Facebook account. Kindly spread the info. Thank you,” ang IG story ni Joshua na nakasulat sa post ng hindi niya raw account.

Nakalagay kasi sa photo nina Gerald and Julia na ex ni Joshua na “Congratulations Gerald Anderson and Julia Barretto” with matching heart emoticon.

May nauna na ring post ang nasabing account na “Maging masaya tayo sa ikaliligaya ng iba…” habang puno ng pagkain ang bibig supposedly ni Joshua na ang interpretation ng marami ay patungkol din sa ex.

Sari-sari ang analysis ng followers ng aktor sa nasabing disclaimer nito.

Baka raw may tama pa kay Joshua lalo na nga at bago ang nasabing statement ni Gerald habang pino-promote ang bago niyang endorsement ay nag-viral ang music video nina Julia at Joshua para sa kanta ni Moira na Paubaya kaya sinasabing gagawan sila ng movie with the same title.

Though comment naman ng iba, ayaw lang makaladkad ni Joshua ang pangalan niya sa bagong anggulo ng mga social media pasabog nina Julia.

Samantala, wala namang reaction si Bea Alonzo sa ghosting denial ng ex sa kanyang social media accounts. Ang pino-promote ni Bea ay ang ‘TonDeng plays TRUTH or LIE!!’ episode niya sa YT (with Ian Veneracion) at ilang endorsement niya pa.

Ngayong ‘legal’ na sina Gerald and Julia, puwede na silang hindi magtago pag lumalabas na magkasama.

May chika na last year pa, na diumano’y lilipat na rin kasi ng management si Gerald, sa Viva na rin diumano ito magpapa-handle, na management team ni Julia. Kaya may chance diumano na magsama sila sa pelikula.

Unless, daw ayon sa source, nagkaroon ng changes.

Anyway, I’m sure, either maghihintay sila ng new endorsement na ipo-promote bago magsalita or iva-vlog nila para nga naman may katapat na million views equals monetization na hindi barya-barya.

JOSHUA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with