^
Alfred, pahinga muna sa pulitika sa 2022
Alfred
STAR/ File

Alfred, pahinga muna sa pulitika sa 2022

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - March 7, 2021 - 12:00am

Alam n’yo ba na nasabik si Alfred Vargas sa paglabas sa TV. Talagang iyon guesting niya sa teleseryeng Legal Wife, para raw nanibago siya nung una dahil mataga­l-tagal na ring hindi siya lumalabas sa TV. Kaya nga lang, hindi raw niya kakayanin ‘pag sobra ang tagal sa lock-in dahil mami-miss niya ng sobra ang mga anak nila ni Jasmine.

Pahinga muna sa politics si Alfred sa 2022, hindi siya tatakbo sa eleksiyon kaya ang haharapin niya ay ang career niya sa TV o pelikula.

Sa ganda ngayon ng physique ni Alfred handang-handa siya sa pagharap sa kame­ra. At sa isang mahusay na aktor na tulad niya, hindi mahirap na makabalik sa showbiz.

Marami nga ang naka-miss sa kanya lalo na at madalas mapanood ang Supremo, kung saan siya gumanap na Andres Bonifacio.

At maganda rin ang naging performance niya as a public servant, kaya pareho niya itong option. Bongga si Alfred ha, anytime, anywhere, puwede.

FDCP AT MTRCB naging limitado ang galaw

Nami-miss ko na sila FDCP Chair Liza ­Diño at MTRCB Chair Rachel Arenas. Dati kasi dahil nga sa very busy ang showbiz, sobra ring busy sila Chair Rachel at Liza. Imagine mo na almost a year na parang limited ang activity ng kanilang department dahil sa pandemic, at hindi nga natin nagamit ang ating MTRCB car dahil walang sinehan?

Saka nagkaroon pa ng problema dahil nga sa mga health protocols sa shooting at taping.

Naku, talagang iyon busy office ng FDCP at MTRCB biglang quiet dahil nga sa pandemic.

Miss ko tuloy iyon bubbly conversations with the two friendliest and sweetest chairpersons sa gobyerno natin.

Sana back to normal na, para puwede na naman chikahan with them.

TV
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with