^
Gerald, umamin ding nasaktan sa hiwalayan nila ni bea
Gerald
STAR/ File

Gerald, umamin ding nasaktan sa hiwalayan nila ni bea

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - March 7, 2021 - 12:00am

Sa kauna-unahang pagkakataon ay inamin ni Gerald Anderson ang tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ni Julia Barretto. Naibahagi ng aktor sa aming eksklusibong panayam ang matagal nang pinag-uusapan ng mga tagahanga na masaya umano sina Gerald at Julia bilang magkasintahan. “Very happy, very happy. Yes, Tito Boy. It’s a yes. I’m very happy, thank you,” nakangi­ting pahayag ni Gerald.

Unang pumutok ang balita tungkol kina Julia at Gerald noong 2019 nang nagkahiwalay ang aktor at si Bea Alonzo. “At that point no’ng pumutok, I’ve had my moments na parang, ‘Oh my God! Paano ko nalagay ‘yung sarili ko sa ganitong… (sitwasyon)? What did I do? I try to be a good person, Bakit?’ I’m not gonna say na wala akong mali, I know. Pero kailangang umabot sa gano’n? I mean, did we really have to take the social media route or path? Ang pait, ang lala. Ang pinakamasakit pa is what I’ve heard even behind the cam. ‘Yung mga nakarating sa akin, ‘yung intimate moments namin bilang boyfriend-girlfriend. Parang, kailangan ba talaga umabot sa ganito?” makahulugang pagbabahagi ng binata.

Nilinaw din ni Gerald na hindi nagkaroon kailan man ng ‘ghosting’ sa pagitan nila ni Bea noon. “Tito Boy, I can remember that moment like kahapon lang siya nangyari. But I can’t, I don’t have the guts to put someone in a bad light because gusto ko linisin ‘yung image ko or ‘yung side ko. Ganito lang po ‘yon, ano po ba ang definition ng ghosting? Kasi ang dating sa akin is parang nasa gitna kami ng dinner. Tapos nag-decide ako mag-backout and ‘di magpakita kahit kailan. ‘Yon ba ang definition? Or is it walking away from a very unhealthy, toxic, not saying na siya ‘yung toxic, but being together, we were very toxic. Hindi narerespeto ‘yung explanation na binibigay mo, hindi tinatanggap. After months and months and months of being on the rocks and away. I mean, I’m gonna leave it at that. Bahala na po kung paanong ano, but if ‘yung ghosting, I’m guilty of one of those two,” paliwanag ng aktor.

Aminado ang binata na talagang nasaktan din siya noon dahil sa hiwalayan nila ni Bea. “Wala na po akong magagawa Tito Boy eh. Again, hindi rin ako ‘yung tipo ng tao na, kahit ang daming nagsasabi, ‘Hindi, Magsalita ka.’ I couldn’t look at myself in the mirror kapag nagkwento pa ako about my relationship at kung paano kami naghiwalay or hindi naghiwalay. No,” pagtatapos ni Gerald.  (Reports from JCC)

GERALD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with