^
Ghosting kay Bea itinanggi, relasyon nila naging toxic kaya naghiwalay!
Gerald at Bea

Ghosting kay Bea itinanggi, relasyon nila naging toxic kaya naghiwalay!

SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - March 6, 2021 - 12:00am

As expected, Gerald inaming maligaya sila ni Julia

Wala pang reaction sina Bea Alonzo at Julia Barretto sa exclusive interview kahapon ni tito Boy Abunda kay Gerald Anderson.

“Very happy. It’s a yes,” ang sagot ni Gerald tungkol sa kanila ni Julia nang tanungin kung bakit siya masaya habang itinanggi naman nitong ginhost niya si Bea.

Sa one-on-one interview nga with tito Boy sinabi nitong wala siyang ghinost at literal na kinontra ang mga statement ni Bea pagkatapos nilang maghiwalay more than a year ago. “Ano po ba ang definition ng ghosting? Kasi ang da­ting sa ‘kin is parang nasa gitna kami ng dinner and then nag-decide ako na mag-walk out and ‘di magpapakita kahit kailan. ‘Yun ba ang definition or is it walking away from a very unhealthy, toxic not saying na siya ‘yung toxic, ako ‘yung toxic but being together we were very toxic, and hindi nirerespeto ‘yung explanation na binibigay mo, hindi tinatanggap after months and months and months and months and months of being on the rocks at medyo away? I mean ‘yun lang. I’m just gonna leave it at that,” pahayag ng actor na first time nagsalita sa matagal nang pinag-uusapang panggo-ghost niya raw kung saan nga nadawit ang pangalan ni Julia.

Sinabi rin nitong ayaw niyang manggamit ng ibang pangalan para linisin ang kanyang pangalan. “I will never throw someone under the bus para lang linisin ‘yung pangalan ko, lalo na ‘yung tao na I have intimate moments with, I had happy moments with. Lalo na itong last, ang pangit. Ang lala,” dagdag pa niya pa kay tito Boy.

Maaalalang, nauso noon ang salitang ghosting dahil nga sa naging akusasyon noon kay Gerald.

Anyway, oo nga at ngayon lang officially umamin si Gerald pero common knowledge sa ilang taga-showbiz ang relasyon nila ni Julia lalo na nga at nakikita diumano ang actor na dumadalaw ng bahay ni Julia noong lockdown.

Hanggang consistent na nakikita na si Julia sa resort ni Gerald sa Zambales na hindi masyadong malayo sa property din ni Bea.

Sasagot pa kaya si Bea tungkol dito?

Si Julia ay matagal nang nagbibigay ng mga hint tungkol sa kanila ni Gerald.

BEA ALONZO GERALD ANDERSON JULIA BARRETTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with