^
Apat na primetime shows ng ABS-CBN, nasa TV5 na
Coco

Apat na primetime shows ng ABS-CBN, nasa TV5 na

SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - March 6, 2021 - 12:00am

Patuloy ang pagtutulungan ng ABS-CBN Entertainment, Cignal, at TV5 sa paghahatid ng magagan­dang programa sa mas maraming Pilipino sa pagpapalabas ng  FPJ’s Ang Probinsyano, Ang Sa Iyo ay Akin, Walang Hanggang Paalam, at Pinoy Big Brother (PBB) Connect  sa TV5.

Simula sa Lunes (Marso 8), matutunghayan na sa TV5 ang mga de-kalidad na produksyon, mahuhusay na artista, at positibong aral sa apat na Kapamilya shows na ito mula Lunes hanggang Biyernes ng 8 p.m. hanggang 10:30 p.m.

Mula 2015 ay kinagigiliwan na ng televiewers ang FPJ’s Ang Probinsyano. Tuloy pa rin ang pagpapalabas nito at hindi magwawakas sa Abril 2021, gaya ng naibalita.

Samantala, ang Ang Sa Iyo ay Akin, ang pinaka-pinapanood na programa sa iWantTFC na nasa huling dalawang linggo na, at ang family drama na  Walang Hanggang Paalam ay patuloy na tinututukan ng mga manonood mula noong 2020.

Ipapalabas din ng TV5 ang kapana-panabik na huling linggo ng PBB Connect mula Lunes (Mar 8) hanggang sa Big Night sa Linggo (Mar 14), matapos ang maraming linggong paghahatid ng ‘teleserye ng totoong buhay’ at mga aral sa pamamagitan ng mga hamon ni Kuya para sa housemates.

“We welcome the inclusion of ABS-CBN entertainment shows in our roster of programs. We believe that this content deal will benefit Filipino viewers across the country because of TV5’s extensive coverage,” sabi ni Robert P. Galang, presidente at CEO ng Cignal at TV5.

Nauna nang napanood sa TV5 ang ASAP Natin ‘To at FPJ: Da King tuwing Linggo umpisa noong Enero 24.

ABS-CBN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with