^
Derek, malapit nang lumayas sa showbiz
Derek

Derek, malapit nang lumayas sa showbiz

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - March 6, 2021 - 12:00am

Nakikita sa Instagram na ang saya ng magkasintahang Derek Ramsay at Ellen Adarna na sinilebrayt ang first monthsary ng kanilang relasyon.

Sabi ni Derek sa interview sa kanya para sa YouTube channel ni Pops Fernandez, super in love daw siya ngayon, at nakikita raw ng mga kaibigan niyang bumalik ang dating Derek na masaya lang at tipong ‘happy go lucky.’

“Everything just clicks.

“This is the first relationship that instead of best foot forward, worst foot forward. Kapag nalagpasan mo ‘yun, eh ‘di smooth-sailing na parang ganun,” napapangiti niyang pahayag.

“Our personalities, just clicked parang wala nang kaartehan. She makes me feel happy about who I am, and the old Derek is back,” sabi pa niya.

Binanggit din ng Kapuso actor na hindi nga raw sila nagkaroon ng closure ni Andrea, pero inaasahan naman daw niyang maging okay sila as friends lalo na’t magkasama sila sa isang network.

Samantala, makahulugan din ang sagot ni Derek tungkol sa kanyang plano sa kanyang showbiz career. Hindi raw niya iniisip na magtatagal pa talaga siya sa showbiz. Baka next year daw ay rest na muna siya at baka magpelikula lang daw muna siya one or two movies a year.

Mukhang tatapusin lang niya ang kontrata niya sa GMA 7 at baka haharapin niya ang bagong career.

Isa raw sa naiisip niya ay ang interior de­signing na gusto rin niya at nakahiligan niyang gawin.

Arjo at Maine, umaapaw ang kilig

Hindi maiwasang may kumokontra pa rin at nagne-nega sa guesting ni Arjo Atayde sa Daddy’s Gurl.

Kahit nga si Vic Sotto ay aware na merong ayaw pa rin lalo na ‘yung loyal pa rin sa tambalang Maine Mendoza at Alden Richards.

Sabi ni Bossing Vic nang makatsikahan namin sa DZRH, hindi raw talaga maiwasan ‘yun pero nakikita namang masaya sina Maine at Arjo, bakit naman natin kokontrahin?

Kaya kung nakikita n’yo ang bagong teaser ng Daddy’s Gurl, kitang-kita ang kilig kay Maine at ang saya nilang tingnan.

Dagdag ito sa mga masasayang alaala nila sa kanilang relasyon.

Sabi nga ni Arjo sa Instagram post niya noong nakaraang birthday ni Maine; “I just never want to stop making memories with you. I love you! Happy birthday, Bubby (heart emoticon).”

DEREK RAMSAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with