^
Kevin Santos, gaganap na Petite sa #MPK
Kevin

Kevin Santos, gaganap na Petite sa #MPK

(Pilipino Star Ngayon) - March 6, 2021 - 12:00am

Bibigyang-buhay ng Kapuso actor na si Kevin Santos ang kuwento ng komendyanteng si ‘Petite’ o Vincent Aychoco sa brand new episode ng real life drama anthology na Magpa­kailanman ngayong Sabado (March 6).

Nang maghiwalay ang mga magulang ni Vincent (Kevin), pinili niyang sumama sa kanyang amang si Arvin (Dennis Padilla) kahit hindi nito tanggap ang pagiging bakla niya.

Makikilala ni Vincent si Jessica (Snooky Serna), isang babaeng mas matanda sa kanya pero tanggap ang pagiging beki niya. Kaya kahit ka­sing edad nito ang kanyang ina, makikipagrelas­yon siya rito para mapasaya ang kanyang ama. May anak din si Jessica na kasing edad ni Vincent, si Alma (Ashley Rivera).

Laking gulat nina Vincent at Jessica nang malamang may relasyon pala sina Arvin at Alma! Bukod dito, nagdadalang-tao pa ang dalaga. Paano magsasama-sama sa iisang bubong ang kakaibang pamilyang ito?

Tutukan ang episode ng #MPK na pinamagatang When I Fall in Laugh: The Vincent Aychoco Story ngayong Sabado, 8:00 p.m., sa GMA 7.

KEVIN SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with