^

PSN Showbiz

Pokwang bumuwelta kay Roque

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Pokwang bumuwelta kay Roque
Pokwang
STAR/ File

Libu-libo ang naging share ng sagot ng komedyanang si Pokwang kay Presidential Spokesperson Harry Roque tungkol sa justification nito kung bakit special working days na ang November 2, December 24, December 31 na dating special holidays.

“’Yan po ay dahil sa advice ng economic team, napakatagal na po nating nakabakasyon. Halos isang taon na tayo nagbakasyon dahil sa COVID-19,” banggit ni Sec. Roque na ikinonek niya sa ‘bawal lumabas’ ng almost a year dahil sa pandemya.

Sagot ng komedyana : “Hindi po bakasyon ang tawag don sir! be sensitive naman po! bakasyon ba matatawag yung umiiyak ka gabi2 kasi wala kana trabaho? pano na pamilya at pangkabuhayan nyo? bakasyon po ba yung need mo isara negosyo mo kasi may pandemia? kung ganyan ang bakasyo edi ayoko na mag bakasyon.”

Pirmado na ni Presidente Duterte ang Proclamation 1107, na nagdedeklara na ang All Soul’s Day, Christmas Eve, and New Year’s Eve as working days.

Katuwiran ng Presidente, kailangang maka-recover ang bansa sa matinding tama ng COVID-19 sa ating ekonomiya na ikinawindang ng karamihan.

Anyway, habang sinusulat namin ito ay wala pang sagot ni Sec. Roque sa hirit ni Pokwang.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with