^

PSN Showbiz

Mga gawang gown ni Rocky Ga­thercole, international celebs ang nagsuot

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Mga gawang gown ni Rocky Ga­thercole, international celebs ang nagsuot
Rocky, Coyiuto at Lolit
STAR/ File

Si Ms. Rubby Coyiuto (Flawless) at Nay Lolit Solis ang naalala ko nang mabalitang namatay ang international fashion designer na si Rocky Gathercole.

Si Rocky ang designer ng black gown sana na susuotin ni Ms. Rubby sa Paris wedding nina Dra. Vicki Belo and Hayden Kho.

Avant garde ang mga gown ni Rocky as in unusual / experimental ideas na isa nga si Ms. Rubby sa magsusuot sana ng creation ng international fashion designer.

Isang Rimowa luggage (large) ang nasabing black gown ni Ms. Rubby na sinuot na sa isang fashion show ni Rocky.

Sadly, hindi nagamit ni Ms. Rubby ang nasabing gown.

Dahil sa design nito, hindi siya nakapasok sa elevator ng hotel kung saan kami naka-stay.

Willing na sana kami noon ni Nay Lolit na tulungan siyang buhatin ang back part ng gown para lang makapasok sa elevator, pero tala­gang hindi nagkasya.

Buti na lang may spare gown si Ms. Rubby, Valentino gown na sinuot niya sa nasabing wedding nina Dra. Belo and Dr. Hayden.

Kasama sa mga dinamitan na ni Rocky sina Paris Hilton, Tyra Banks, Nicki Minaj, Britney Spears, and Jennifer Lopez.

Biglaan ang pagkamatay ng international fashion designer na pang-pelikula ang story ng buhay bago nakilala sa pagde-design ng mga gown na avant-garde.

Naikuwento niya noon na inabandona siya ng kanyang ina habang inabuso naman siya ng ama pero naging mabuti ang kapalaran sa kanya at nakapag-trabaho sa Dubai at doon na-discover ang husay niya.

vuukle comment

ROCKY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with