^
Movie remake nina Alden at Bea, Pinoy ang approach

Movie remake nina Alden at Bea, Pinoy ang approach

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - March 5, 2021 - 12:00am

Halos lahat yata excited sa project nina Alden Richards at Bea Alonzo. Napakaganda kasi ng story ng A Moment to Remember kaya naman gustung-gusto na itong mapanood agad ng followers ng dalawa.

Naiiba ang istorya, at imagine na tatlo ang producers ha, GMA, Viva at APT Entertainment. Tatlo ang tulung-tulong na sisiguruhing magiging maganda ang kalalabasan ng pelikula, at tatlong bigatin sa paggawa ng projects ha.

Ang suwerte talaga ni Alden na lahat ng napunta sa kanyang projects ay ‘yung maipagmamalaki niya. Event para sa showbiz ang pagsasama nina Alden at Bea, isang malaking event kaya naman hindi kataka-taka na hinihintay lalo pa nga ngayon na bihira ang makakagawa ng ganyang kalaking project. Kahit remake ito sure ako na lalagyan ng Filipino twist dahil nga ang original nito ay talagang sobra na sa drama at romance.

Bagay talaga ang project kina Alden at Bea, sila lang talaga ang nababagay dito.

Naku parang ngayon pa lang naririnig ko na ang iyakan sa loob ng sinehan kung bukas na ang mga ito, at ang swooning kina Alden at Bea sa romantic scenes.

Dingdong, pinarangalan ng mga guro

Natuwa naman ako na meron din palang award sa GEMS si Dingdong Dantes. Isa kasing karangalan ‘yung mabigyan ka ng teachers at students na bumubuo ng GEMS ng parangal dahil siyempre nasa academe ang mga ito at iba ang pananaw sa showbiz. ‘Yung mapansin nila ay malaking karangalan na, lalo pa nga si Dingdong na talagang ang laki ng pagpapahalaga sa edukasyon.

‘Yung sa gitna ng pagka-busy niya as an actor, talagang tinapos niya ang kanyang pag-aaral. Kaya naman tuwang-tuwa siya sa ibinigay na parangal ng GEMS sa adaptation nila ng Descendants of the Sun na naging malaking tagumpay dahil hindi lang GEMS ang nagbigay sa kanya ng awards, pati ang ilang award-giving bodies din hanggang abroad.

Habang tumatagal lalo pang lumalalim ang pagganap ni Dingdong sa kanyang roles na ginagawa, patunay na hinahasa siya ng panahon at mahal niya ang kanyang craft as an actor. Congrats, Dingdong, at thank you, GEMS, sa well-deserved award na ito para sa best actor.

Thank you din uli GEMS dahil nanalo rin kami ng Best Digital Entertainment Talk Show para sa Take It… Per Minute, Me Ganun!

BEA ALONZO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with