^

PSN Showbiz

Francine, tinanggihan ang alok ng ibang istasyon

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Francine, tinanggihan ang alok ng ibang istasyon
Francine
STAR/ File

Mula nang magsara ang ABS-CBN noong isang taon dahil sa kawalan ng prangkisa nito ay nakatanggap ng mga alok mula sa ibang istasyon si Francine Diaz. Para naman sa dalaga ay ang Kapamilya network na ang kanyang naging tahanan sa loob ng ilang taon kaya hindi niya ito kayang iwanan. “Ito ang tahanan ko. May mga nag-offer po pero choice ko rin na mag-stay dito kasi para po sa ‘kin pamilya ko na po ito eh. Hindi lang siya basta company or network. Hindi porke’t mataas ang ABS dito ako mag-stay. Nag-stay po ko dahil ito ‘yung family ko,” makahulugang pahayag ni Francine.

Gusto lamang ding suklian ng aktres ang lahat ng kabutihang ipinagkakaloob ng Kapamilya network sa kanya. Ayon kay Francine ay masarap sa pakiramdam na matawag bilang isang Kapamilya. “Ang sarap marinig niyan, nakakataba ng puso. Gusto ko po ipakita sa lahat ‘yung loyalty ko dito sa family na ito. Again, ito po ‘yung tahanan ko talaga,” giit ng dalaga.

CJ, gustong matulad kay Gary V.

Hanggang ngayon ay halos hindi pa rin makapaniwala si CJ Navato na isa siya sa mga naging kalahok para sa ikatlong edisyon ng Your Face Sounds Familiar. Napapanood ang naturang programa tuwing Sabado at Linggo ng gabi sa Kapamilya Channel. Sa mga nakaraang linggo ay ilang mga sikat na personalidad na ang nagaya ng aktor katulad nina Frank Sinatra at Jose Mari Chan. “I feel like ni-ready ako ng panahon dito. Yes, hindi ko sila generation. Kasi no’ng bata ako, ‘yung mga lolo’t lola ko lagi akong pinapakinig ng mga lumang kanta. Sumasaya ang heart ko kapag lumang kanta ang pinakikinggan. Kapag nagmo-mall show kinakanta ko ‘yang ‘Beautiful Girl’ pero hindi parang Jose Mari Chan, pero naaalala ko paano siya (kantahin),” nakangiting kwento ni CJ.

Nangangarap umano ang binata na magaya si Gary Valenciano na kanyang iniidolo at isa rin sa mga hurado sa programa. “Bata pa lang ako idol ko na siya. Gusto ko siyang magaya. Feeling ko kaya kong gayahin siya pero alam mo ‘yung different ‘pag alam mong kino-confirm niyang, ‘Oo nga that was me,’” pagbabahagi ng binata.

Malaki ang pasasalamat ni CJ sa mga tagahangang patuloy pumupuri sa kanyang mga performance sa Your Face Sounds Familiar. “Sobrang tuwa ako na gano’n ‘yung pagtanggap ng tao. Nagbabasa ako ng comments nila, sobrang nakaka-touch. Totoo na pinag-aaralan ko talaga siya. Something na hindi basta-basta lang sa akin. Something na gusto ko siyang magawa nang pinakamaayos, pinakamalapit do’n sa boses na kaya ko. So sobrang saya,” paglalahad ng aktor. (Reports from JCC)

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with