^
Bossing Vic, nagpapila kay Mayor Vico sa bakuna
Vico at Vic
STAR/ File

Bossing Vic, nagpapila kay Mayor Vico sa bakuna

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - March 5, 2021 - 12:00am

Isa si Vic Sotto sa nagpalista na sa Pasig para magpabakuna.

Botante pala ang Eat Bulaga host ng Pasig kaya kinausap na niya ang kanyang anak na si Mayor Vico na kapag puwede na raw ang senior citizens na magpabakuna, isama na siya sa listahan. “Tumawag na ako kay Vico na kapag turn na ng mga senior ay pupunta na ako sa kanilang vaccination area,” pakli ni Bossing Vic nang makapanayam namin sa DZRH noong nakaraang Miyerkules ng gabi.

“Huwag tayong matakot, wala namang mamatay sa bakuna eh. Para naman ‘yun sa proteksyon natin na baka ganito, baka mahilo, baka may side effect.

Pinag-aralan ‘yan ng mga siyentipiko. Sa ating dabarkads na nakikinig, ‘pag may available na magpaturok na tayo, magkaturukan na,” dagdag niyang pahayag.

Isa si Bossing Vic sa sobrang support sa lahat ng mga ginagawa ng anak niya.

Ang saya nga niya nang makatsikahan namin dahil sa achievement ni Mayor Vico na kung saan ay kinilala itong Anti-Corruption Champion sa buong mundo.

“Very proud ako sa kanya, and I’m sure tuwang-tuwa siya dahil iyon ang isa sa pinakaimportanteng adbokasiya para kay Vico eh,” masayang pahayag ni Bossing Vic. “Parang going against the current ‘yun eh dahil alam mo naman ‘yung kultura ng… hindi naman Pilipino lang ‘no? Sa maraming gobyerno, hindi lang corruption na hindi talaga maalis ‘no?

“’Yung adbokasiya niya, ‘yung ideology niya na kaya kung kakayanin basta meron ka lang political will na maging transparent ang gobyerno. Lahat ng billings ng gobyerno, merong freedom of information na walang may under the table, eh kaya namang gawin kung talagang gugustuhin,” sabi pa niya.

Kaya naintindihan naman niyang madalas na hindi nakakasama sa mga pagtitipon nilang mag-anak dahil nga napaka-busy nito at umiiwas din dahil sa lagi siyang nai-expose sa maraming tao. “Si Vico naman hindi mo maimbita ‘yun dahil alam mo namang exposed siya sa public. So, hindi basta-basta pupunta ‘yun. Saka marami siyang ginagawa, marami siyang inaasikaso,” sabi pa niya.

Samantala, bukas na mapapanood ang episode ng Daddy’s Gurl na kung saan special guest nila si Arjo Atayde.

Natutuwa naman daw siya na lumabas si Arjo kahit may mga ilan pa ring kumokontra dahil sa mga loyal talaga sa tambalang Alden Richards at Maine Mendoza. “Nung binanggit ng aking staff kung puwedeng mag-guest si Arjo, okay lang sabi ko, birthday naman nung tao.

“’Yung personal na buhay niya dapat respetuhin natin. Eh talagang sila ay nagmamahalan, kung mahal niya si Arjo out na tayo ru’n, buhay niya ‘yun eh. Nakikita ko namang masaya siya at naalagaan naman siya nang mabuti, okay lang,” sabi pa ni Bossing Vic.

Paolo, pinanindigang Netflix King

Swak nga kay Paolo Contis ang bansag na Netflix King dahil talagang hindi nawawala sa top trending ang mga pelikula niyang ipinalabas doon.

Nasa top ten trending ngayon ang episode niya sa I Can See You: The Promise. Naunang ipinalabas sa Netflix ang episode na Love on the Balcony nina Alden Richards at Jasmine Curtis, pero hindi ito nag-trending.

Ang sumunod ay itong The Promise ni Paolo kasama sina Andrea Torres, Yasmien Kurdi at Benjamin Alves.

Nang magsimula ito noong March 1, may mga nakarating nang feedback sa amin na nagandahan sila sa episode na iyon.

Kinabukasan nasa top 4 trending at nung sinilip ko uli kahapon ay nasa top 7 na.

Natawa na lang si Paolo nang biniro ko ngang nasa kanya pa rin pala ang korona bilang Netflix King.

Bukod sa The House Arrest of Us na matagal ding hindi nalaglag sa top 10 tren­ding, nag-number 1 din ang My Rebound Girl ni Alex Gonzaga at Joseph Marco. Maaaring dahil kay Alex na malakas pa rin sa social media kaya kahit sumemplang ito sa takilya, wagi naman sa Netflix.

Baguhang young actor na inaasahan ng pamilya,  inayudahan ng mahusay na aktor

Ang isang kagandahan talaga sa lock-in taping ay lalong naging close ang mga artistang nagsasama-sama.

Sa taping ng isang drama series na hindi pa nagsimulang umere, seryosong nagkausap ang bidang aktor at ang baguhang young actor.

Ikinuwento ni baguhang young actor ang hirap na pinagdaanan ng pamilya na mabuti na lang medyo nakakaraos na raw ngayon lalo na’t magsisimula nang mag-artista itong si baguhang young actor.

Kaya thankful daw siya na napasama siyang regular cast sa drama series na iyon dahil may regular kita na siya.

Nagulat si baguhang young actor dahil pagkatapos daw ng lock-in taping, tinext ni bidang aktor si baguhang young actor kung may GCash ito. Sabi niya, wala. Kaya hinihingi na lang ang bank account details niya.

Natakot pa raw si baguhang young actor nang ibinigay niya at baka utangan pa raw siya, eh wala naman daw siyang pera.

Kinabukasan, nagulat si baguhang young actor nagkalaman ng P20K ang bank account niya. Ipinadala pala iyon ni bidang aktor.

Kaya sobrang sinamba siya ni baguhang young actor na bukod sa napakagaling na aktor, napakabait pa.

VIC SOTTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with