^

Sharon, nagluluksa sa biglaang pagkamatay ng international fashion designer

YUN NA! - Jun Lalin (Pilipino Star Ngayon) - March 5, 2021 - 12:00am

Ang viewing sa mga labi ng yumaong international fashion designer na si Rocky Gathercole sa St. Peter Chapels sa Quezon Avenue, Quezon City simula ngayong araw na ito (8:00 a.m. to 1:00 p.m. at 3:00 to 7:00 p.m.).

Sa Monday ng 3:00 p.m. naman ang cremation ng mga labi ni Rocky.

Kaagad kumalat ang tungkol sa pagkamatay ni Rocky noong Friday late afternoon, kaya maraming showbiz personalities na malalapit sa kanya ang sobrang nalungkot.

Ayon kay Nancy Yang ng Team Sharon ng Megastar na si Sharon Cuneta, sobrang naiyak ang actress/singer sa pagkamatay ng kaibigang international fashion designer.

Nasa Subic, Zambales si Sharon at nagsu-shooting ng Revirginized at sa unang kuwento ni Nancy sa akin, hanggang March 7 ang shooting doon ng Megastar.

Hindi ako magtataka kung sa cremation ni Rocky ay biglang dumating si Sharon dahil mahal na mahal niya ang yumaong international fashion designer!

KilaboTitos nina Ogie at Ian, tatlong araw nag-taping

Ang taping ng Virtually Yours, KilaboTitos sa Music Museum noong Wednesday.

In-advance na nila ang nasabing virtual concert dahil ayaw ni Ogie Alcasid na magkaroon ng technical problem pa if magla-live sila ni Ian Veneracion.

Mas mapapaganda rin daw ang visual effects ng Virtually Yours, KilaboTitos.

Nang makausap ko si Ogie kahapon, sinabi niyang walang naging problema sa kanilang taping.

Bale three days straight ang naging trabaho nila at lahat daw ay healthy.

Lahat sila ay negative sa COVID-19 swab test at wala rin daw naging aberya sa kanilang taping.

Sobrang saya nga raw ‘yon at napakagandang lumabas ng kanilang virtual concert.

Bale sa March 26, 8:00 p.m. sa KTX.ph ‘yon at available pa rin ang digital tickets.

“Sobrang saya sa taping namin. Safe ang lahat, kaya thank you, Lord!” sabi pa ni Ogie.

Nakakatuwa nga, Ateng Salve, dahil ang mga fan ng misis ni Ogie, sobrang supportive rin sa Virtually Yours, KilaboTitos.

Dahil pino-promote nga ni Regine Velasquez-Alcasid ang nasabing virtual concert, ang mga fan ng Asia’s Songbird, buy rin ng digital tickets.

Sa part naman ni Ian, sobrang supportive rin ang mga fan nila ni Bea Alonzo (naging magkapareha sila sa A Love To Last ng ABS-CBN na nasa Netflix din) at marami sa kanila ang may hawak ng digital tickets.

‘Katuwa nga pala ang karamihan sa entertainment press dahil marami sa kanila ang excited na manood ng Virtually Yours, KilaboTitos. May iba nga na nagsa-suggest na mag-Zoom party tayo, Ateng Salve, while watching the virtual concert para sabay-sabay raw tayong makisayaw kina Ogie at Ian, huh!

So bongga! ‘Yun na!

SHARON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with