^

Salpukan ng ABS-CBN at GMA, umabot na sa digital

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon (Pilipino Star Ngayon) - March 5, 2021 - 12:00am

Hanggang sa internet, magkalaban pa rin ang ABS-CBN at ang GMA 7. Sinasabi ng ABS-CBN na mas mataas pa rin ang kanilang following sa kanilang shows na umaabot sa 32-million hits sa internet kung ikukumpara sa shows ng GMA 7. Ang sagot naman ng GMA 7, mas mataas naman ang hits sa kanilang news programs kaya kung combined audience sa internet ang pag-uusapan, mas mataas pa rin sila sa ABS-CBN.

Nalipat na sa internet ang kanilang labanan, kasi nga off the air naman ang ABS-CBN, kaya halos hindi mo na marinig ang mga patutsadahan nila gamit ang survey ng AGB Neilsen at ng Kantar Media. Wala kasing maisu-survey ang Kantar dahil off the air nga ang ABS-CBN na siya nilang subscriber. In fact nagsabi na nga silang ititigil na nila ang kanilang television survey noong isara ang ABS-CBN, pero binawi nila noong makapag-block time ang network sa ZOE TV, at naglabas din ng ilang shows sa TV5.

Pero lumabas na plakda pa rin iyon dahil hindi nga makalaban nang husto ang kanilang on the air broadcast dahil parehong 60 kilowatt lang ang power ng ZOE TV at TV5, kaya kahit na ang combined audience ng dalawang istasyon, hindi makaporma sa kanilang kalaban na on the air sa 150 kilowatt power. Iyong ZOE TV, dalawa lang ang istasyon niyan. Ang TV5 naman, may mahigit na tatlumpung provincial stations bukod sa Metro Manila. Pero ang combined stations ng dalawa ay malayo pa ring itapat sa ipinagmamalaki ng GMA na 52 provincial stations na lahat ay nasa urban areas pa. Kaya nga kahit na noong araw, mas malakas ang urban following ng GMA, at ang hindi lang nila naaabot ay iyong mga nasa kabila ng bundok.

Siguro nga dahil sa sinasabi nilang 32 million na ang nanonood sa kanila sa internet, masasabing halos wala namang nawala sa ABS-CBN kahit na off the air sila, at siguro kung makakasanayan pa ng mga tao ang internet TV, maski na hindi na sila magbukas, naroroon pa rin ang audience nila. At ok lang kahit na off the air na sila habang panahon.

Ang problema lang ng ABS-CBN, mababa ang singil nila sa commercials ngayon. Hindi sila makasingil na kagaya ng dati dahil nga wala sa free TV.

John Lloyd at Derek, magka-level na?!

Nagkakaroon ng comparison ngayon sa pagitan nina John Lloyd Cruz at Derek Ramsay dahil kay Ellen Adarna. Pero sa tingin namin walang point of comparison. Mas bata si John Lloyd kaysa kay Derek. Aminin naman natin na mas mataas na ang inabot ng popularidad ni John Lloyd sa kabila ng katotohanan na wholesome ang kanyang image.

Mas marami ring ‘di hamak ang fans ni John Lloyd, at mas bankable siya bilang artista.

Kung sasabihin mo na nagkaroon nga ng point of comparison dahil kay Ellen Adarna, saan ngayon babagsak si Vice Mayor Paolo Duterte na naging syota rin ni Ellen?

Baguhang matinee idol, tungkol sa kabaklaan ang mga chika

Ayaw naming maniwala sa tsismis na nagsasabing ang isang baguhang pinasisikat bilang matinee idol ay isang “silahis.” Pansin ng netizens na puro mga hunk ang kanyang fina-follow sa kanyang social media account, at marami na ring tsismis na naririnig sa kanya, kabilang na ang pagdalo sa mga “private parties.” At mukhang hindi siya takot sa nangyari kay Christine Dacera.

May isa ring male starlet na kilalang “patola,” meaning pumapatol sa bading, ang nagsabing nagka-fling na sila ng male star na iyan one time, at nagsabi pang, “ok pala iyong parang medyo sabog ang lips ng partner mo.” Pero pagkatapos ng lahat ng aming narinig, mukhang gusto na naming maniwala sa tsismis ngayon. Paminta siya, walang duda.

ABS-CBN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with