^

Actor na hindi masyadong sikat, buking na ang panggagamit sa mga nakakarelasyon

UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - March 5, 2021 - 12:00am

Ikalawang yugto ito ng kuwento tungkol sa isang male personality na hindi naman minero pero napakahusay humanap ng ginto sa babaeng kakarelasyunin niya.

Gold digger ang tawag sa kanya ng mga nakakaalam ng kanyang mga diskarte, matalas kasi ang ilong ng lala­king personalidad kung sino ang puwede niyang pakinabangan, mapangarap ang male personality pero kapos siya sa sariling pamamaraan.

Unang sabi ng aming source, “So, iniwan niyang luhaan ang isang female personality na nakarelasyon niya, di ba? Nakakaloka ang nangyari. Naubos ang naipong datung ng girl!

“Cry me a river na lang ang girl dahil wala na, tapos na ang lahat, late na late na siyang nagising sa katotohanan na use me in a sentence lang pala ang ginawa sa kanya ng bilmoko niyang boyfriend!” manghang-manghang unang kuwento ng aming impormante.

Pagkatapos lang nang ilang panahon ay may isang female personality na biglang sumikat. May ka-loveteam ang babae pero wala siyang pakialam.

Balik-kuwento ng aming source, “Mabenta sa TVC ang girl, bukod pa sa galing sa mayamang pamilya. Tengenengeneng!!!! May naamoy na magandang senaryo ang male personality!

“Gumawa siya ng paraan para maka-close ang girl, nagtagumpay naman siya, madalas silang nagkikita. Nakakita na naman siya ng mina ng ginto!

“Kaso, maraming nakakakilala sa mga atake niya ang nagbantay sa babae, inalagaan ng mga ‘yun sa paalala ang girl na gagamitin lang siya ng male personality!

“Sa dami ng bumubulong sa girl, e, hindi nagtagumpay ang minero! Pinasakay lang siya ng girl, kunwari, e, close na nga sila, pero mulat na mulat sa katotohanan ang babae.

“Wala siyang napala! Hindi niya nagawa sa yayamaning girl ang pagiging bilmoko niya, naagapan agad ang sunog na gusto niyang gawin sa babae!

“May isang girl pa siyang sinubukang bingwitin para mai-use me in a sentence niya! Isang sexy personality ‘yun na mabilis gumawa ng datung sa paraang madalian lang!

“Pero mautak ang girl kesa sa kanya, nakakita siya ng katapat, wala rin siyang inaning tagumpay sa babaeng ‘yun! Soplak siya, mas magaling gumawa ng datung ang girl na ‘yun, walang-wala siyang binatbat sa pinlano niya sanang paghukayan ng ginto!” tawa nang tawang pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Willie pinamimili ng posisyon ni Duterte sa 2022

Napakabilis ng mga pangyayari. Inimbitahan nina Senador Bong Go at Executive Secretary Salvador Medialdea si Willie Revillame para sa isang dinner.

Binigyan niya ng oras ang imbitasyon. Masaya ang kanilang kuwentuhan, hanggang sa dumating ‘yun sa punto ng pagtatanong ni Senador Bong Go sa kanya, “Ano ba ang mga plano mo?”

Sabi ni Willie ay ipagpapatuloy lang niya ang pagtulong sa mga kababayan nating nangangailangan sa pamamagitan ng kanyang programang Wowowin-Tutok To Win.

Kaligayahan na niya ang makatulong at itinuturing niyang pinakamasarap na punto ng kanyang buhay ang bawat pag-uwi na alam niyang marami siyang naayudahan at nabagong estado ng buhay ng mga Pinoy na natatawagan niya sa Wowowin.

Tanong uli ni Senador Bong Go, “Wala ka bang planong mas palawakin ang ginagawa mong pagtulong?” Wala sa isip ko ang ganu’n, sabi ni Willie. Basta tutulong siya sa abot ng kanyang makakaya.

Maya-maya ay may tinawagan ang senador, iniabot nito ang telepono kay Willie, “Kakausapin ka ni Pangulong Duterte.” Hindi niya alam kung ano ang kanyang sasabihin, si PRRD nga naman ang nasa kabilang linya, kaya mapagkumbabang “Good eve­ning, Mr. President” lang ang kanyang nasabi.

Sabi ng boses sa kabilang linya, “Willie, maraming salamat sa pagtulong mo sa mga kababayan natin. Pinanonood kita. Alam ko ang mga ginagawa mong pag-ayuda sa mga nangangailangan.”

Nag-usap uli sina PRRD at Senador Bong Go, pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay sinabi ng senador kay Willie, “Leave your options open daw, sabi ni pangulo.”

Umuwi si Willie na hindi makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari. Naging malaking palaisipan para sa kanya ang tanong ni Senador Bong Go kung wala ba siyang planong mas palawakin pa ang ginagawa niyang pagtulong sa ating mga kababayan?

At ang mas nagmarka sa kanya ay ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Senador Bong Go na “Leave your options open daw, sabi ni pangulo.”

Pero napakasaya ni Willie Revillame dahil nasasaksihan pala ng pangulo ang kabutihan ng kanyang puso sa pagtugon sa matinding problema ng ating mga kababayan ngayong panahon ng pandemya.

Ang tanong—saan nga ba patutungo ang senaryong ito? Papasukin na nga ba ni Willie Revillame ang mundo ng pulitika?

Napupusuan na ba siyang kuning miyembro ng partido ng pangulo? At kung totoo, anong posisyon naman kaya sa gobyerno ang kanyang tatakbuhan, sure winner na nga ba si Mr. Wowowin?

WILLIE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with