^
Dimples, pinabayaan ang anak sa pagnenegosyo
Callie at Dimples
STAR/ File

Dimples, pinabayaan ang anak sa pagnenegosyo

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - March 4, 2021 - 12:00am

Sa murang edad ay mayroon nang sariling negosyo ang panganay na anak ni Dimples Romana at Boyet Ahmee na si Callie. Dalawang taon na ang nakalilipas nang simulan ng dalaga ang pagbebenta ng rattan bags. “It really started po talaga around February 2019. I started super long ago tapos weird because it only really materialized po during the pandemic, which you wouldn’t expect. It took really long because considering that I was only 15 or 16 then. I had a lot people say na, ‘Oh sorry, we can’t supply you if you don’t work for a company.’ When I told them that I was 15 lang or 16, they were like, ‘No, sorry, we can’t do that,” kuwento ni Callie.

Ayon kay Dimples ay hindi humingi sa kanya ng tulong ang anak noong mga panahong nahihirapan pa sa negosyong pinasok. “Hindi niya rin ako masyadong sinasama no’ng time na ‘yon. I guess because Callie, the way she wanted to go about things is that she really wanted to build it on her own. Parang iniwasan niya rin, na I won’t be there beside her and sabi nga niya. ‘Mama, you know, some of the suppliers they’re not paying attention to me maybe because I’m young. ‘Tapos sabi ko, ‘Do you need help? Do you want me to be there?’ And sasabihin naman niya, ‘No, ma, no. I want to do this on my own.’ So ako naman, nirespeto ko ‘yon kasi ayaw ko rin na parang I’m hovering what she’s doing. Feeling ko for kids, when we let them be on their own, and we let them decide and practice for them to have their own stand on things. It’s easier for them to maneuver and really express themselves,” pagbabahagi ni Dimples.

JC umamin, noong 2018 pa ikinasal

Taong 2018 nang pakasalan ni JC de Vera si Rikkah Cruz. Hindi naman umano inilihim ng aktor ang tungkol sa nangyaring civil wedding. “Hindi talaga ako ‘yung ma-announcement, pero hindi secret. I will always tell everyone,” bungad ni JC.

Dapat ay magpapakasal pa sa simbahan noong isang taon ang mag-asawa pero naudlot na ito dahil sa banta ng covid-19 pandemic. “Nangyari kasi diyan inuna namin ‘yung civil wedding tapos lumabas si Lana (anak ng aktor). Right after lumabas si Lana dapat magchu-church wedding na kami eh nagka-pandemic,” paglalahad ng aktor.

Umaasa sina JC at Rikkah na mangyayari pa rin ang kanilang planong pagpapakasal sa simbahan ngayong taon. “Kailangan ‘yung church. Hindi ko siya nada-digest na hanggang do’n lang kami sa civil wedding. Gusto talaga namin sa church. ‘Yung civil wedding dumaan lang. Mas gusto naming mag-prepare ng something really big,” giit ni JC. (Reports from JCC)

DIMPLES ROMANA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with