^

Bea at Alden, todo workshop!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - March 4, 2021 - 12:00am

In-announce na nga sa GMA 7 ang gagawing pelikulang pagsasamahan nina Bea Alonzo at Alden Richards na co-production ng GMA at Viva Films kasama ang APT Entertainment.

Bago pa ang announcement noong Martes ay nagsimula na palang mag-workshop sina Alden at Bea at meron pa raw kasunod na workshop, look test at story conference.

Kinakasa na ang pagsisimula ng shooting na baka simulan daw nila bago matapos ang buwang ito o sa April. Pero hindi ito tuluy-tuloy. Magbi-break daw sila bandang mid of April dahil sisimulan naman ni Alden ang drama series niya sa GMA 7. Wala raw kasi silang playdate nito dahil hihintayin nila ang pagbubukas ng mga sinehan. “May oras pa para pagandahin,” napangiting pakli ng GMA Films, Inc. President and Programming Consultant to the Chairman and CEO Atty. Annette Gozon-Valdes.

“Sabi nga ni Vincent del Rosario pang big screen talaga ito. Kaya hintayin. Siguro by end of this year o early next year baka ma-normalize na at parating naman yung vaccine,” dagdag pa niyang pahayag.

Matagal na palang gusto ng GMA Films na gumawa ng pelikulang pagsasamahan nina Alden at Bea. Bandang 2019 pa raw ay kinausap na raw nina Ma’am Annette ang Star para sa partnership ng isang pelikula at baka puwede itong Alden-Bea at okay naman daw sa kanila. Pero ang dami nang nangyari at ang kasunod ay pumirma na si Bea kay Shirley Kuan bilang bagong manager nito.

Nagkataong nagtama ang mga plano ng mga film production dahil inaalok pala ng Viva itong A Moment to Remember kay Alden.

Kuwento sa amin ni Ma’am Annette; “Dati kasi talagang gusto na naming magka-Alden-Bea. Kinausap na namin dati yung Star Cinema  kung puwede, open naman sila. Tapos may talks kasi kami with Viva for Alden project talaga. Tapos nagkataon, ito yung time na parang nag-sign na yata si Bea with Shirley Kuan, tapos kinausap yata nila si Boss Vic, tapos sabi ni Boss Vic, eto na lang. Gusto rin nila si Alden ‘yung partner…so eto may project for Alden na remake nga ng Pure Soul na ‘yun nga ang A Moment to Remember ng Korea. So, eksakto parang suwerte.”

Kaya nakasali naman sa project na ito ang APT dahil may movie contract si Alden sa naturang produksyon.

Kaya excited ang lahat, maganda ang simula at sana nga matapos na talaga ang pandemic para magkaroon na ng playdate sa mga sinehan.

Billy at Coleen, muntik bumalik sa amerika

Sa kabila ng mga pinagdaanan ng Kapamilya talents pagkatapos ng shutdown ng ABS-CBN 2, iniisip pa rin ni Billy Crawford na blessed siya dahil nagkaroon agad siya ng magandang projects sa TV 5.

Tuluy-tuloy pa ang Lunch Out Loud niya ng Brightlight Productions, at may bago na siya ngayon na The Wall Philippines ng Viva Entertainment na franchise sa production ni LeBron James.

Nagsisimula pa lang silang mag-taping at marami na raw talagang dramang naganap na hindi mai-share ni Billy dahil mas mabuting mapanood ito sa pagsisimula nito sa TV 5 sa March 13, Sabado ng 6 p.m.

Sa nakaraang mediacon ng The Wall Philippines kasabay ng game show din ni Xian Lim na 1000 Heartbeats Pintig Pinoy, ibinahagi ng singer/TV host ang hirap ding pinagdaanan nila ni Coleen Garcia nang nagsimula ang pandemya at na-shutdown ang ABS-CBN 2.

Napag-isipan na raw nilang manirahan na lang sa ibang bansa at iwan ang career nila rito. Ang dami rin daw nilang ‘walls’ na inakyat at nalagpasan naman nila ito. “Nung nawalan kami ng trabaho after ABS CBN medyo parang at one point…alam mo may times na nag-uusap kaming mag-asawa na anong gagawin natin? Iwan na lang ba natin lahat tapos lipat na lang tayo ng ibang bansa.

“May mga tipong life decisions na kailangang gawin. Kasi, hindi madaling tumanaw ng positivity sa lahat na negative na nangyayari sa paligid mo. Pero ang number one na natutunan namin is nagtiwala kami sa Panginoon, nagdasal kami nang todo-todo, at iniyakan naming pamilya kung ano talaga ang kailangan naming gawin and we slowly are climbing about that wall and until now, kahit anong mangyari…. I’m just really thankful na meron akong blessing. Meron akong mga show sa TV5, meron akong primetime entertainment.

“Kumbaga, dito ko tinanim yung sinabi sa akin ng tatay ko na there’s no such things as problems kasi lahat ng problema may solusyon. Hanggang ngayon, tinanim ko pa rin yan sa puso, sa isip ko.

“I’m happy na alam mong nakakangiti ako pagising natin sa umaga. Hindi tayo napapakamot sa ulo kung ano ang gagawin ko bukas, ano ang gagawin ko next week.

“I have a lot of things to do. Alam mo ‘yung drive lalo na’t nandiyan ang anak namin ni Coleen, mas lalo kaming sumi­sipag.”

Doon nga sa mediacon ay ipinakita pa ni Billy ang cute na baby nila ni Coleen na si Amari na pinakamagandang nangyari sa kanila nung pandemic.

BEA ALONZO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with