^

PSN Showbiz

Female personality na salbahe nung bata, naging maganda ang buhay ng pamilya

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Maraming humahanga sa ugali at disposisyon sa buhay ng isang female personality na galing sa pamilya ng mga artista. At mas humahanga sa kanya ngayon ang mga naging saksi sa kanyang kabataan.

Manghang-mangha sila, nasubaybayan kasi nila ang katigasan ng ulo ng female personality nu’ng bagets pa siya, pero kabaligtaran na siya ngayon ng batang ‘yun.

Kuwento ng aming source, “Tingnan n’yo nga naman, kung sino pa ang inakala nating mawawalan ng direksiyon ang buhay, e, ‘yun pa ang maayos na maayos ngayon.

“Aysus, napakasalbahe ng taong ‘yan nu’ng bata pa siya, inaaway niya lahat, binubuhusan pa nga niya ng tubig ang mga reporters na nag-iinterbyu sa kanya!” pag-alala ng aming source.

Ganu’n dati ang female personality, lumaki siyang spoiled, hanggang nang maging teenager na siya ay sobrang pasaway pa rin siya.

Patuloy na kuwento ng aming source, ‘Pero ngayon, ibang-iba na siya. Mahusay siyang magrenda ng buhay niya, masipag siya, mahusay makisama at magaling siyang magdala ng relasyon.

“Wala siyang pinipiling trabaho, basta kaya niyang itawid ang role, go lang siya nang go! At mahusay siyang makisama, mahal siya ng production staff, mahal din siya ng mga artistang katrabaho niya!

“Hindi siya mahirap pakisamahan, kasundo niya ang lahat, samantalang nu’ng bata pa siya, e, kaaway niya halos ang lahat!” umpisang pagdedetalye ng aming source.

Magaling ding humawak ng relasyon ang female personality. Hindi sila ganu’n kayaman ng kanyang napangasawa, pero hindi naman sila nagugutom, dahil marunong sila sa buhay.

“Nakakabilib siya dahil mula nu’ng magpakasal na sila ng guy, e, wala nang kahit sinong na-link sa kanya. Saka hindi siya nahihiyang pumasok sa kung anu-anong raket. Nagbebenta siya ng mga pagkain, ng kahit anong mabenta, ganu’n siya kahusay sa buhay.

At marunong siyang tumanaw ng utang na loob, mahal na mahal niya at inaalagaan ang female personality na nagturing sa kanya bilang tunay na anak. Dumadalaw siya, tumutulong pa nga paminsan-minsan sa abot ng makakaya niya!

“Hindi na bagay sa kanya ang linyang ‘Takot ako, eh!’ dahil kabaligtaran na nu’n ang buhay niya ngayon, sa totoo lang!” madiing pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Julia mag-aala Maricel Soriano sa batang Quiapo?!

Isang araw ay hindi na magtatanong ang apo naming si Simon Drake kung miyembro ba ng Avengers si Coco Martin.

Wala kasing kamatayan ang papel na ginagampanan niya bilang si Ricardo Dalisay. Kahit isang batalyon nang armadong grupo ang kanyang kalaban ay lagi pa rin siyang nakaliligtas at buhay na buhay.

Ganu’n ang naglalarong ideya sa isip ng mga batang nanonood ng FPJ’s Ang Probinsiyano, kahit sino pa ang makalaban ni Dalisay ay nasusugatan nga siya, pero nananatiling buhay.

Pagkatapos nang napakahabang biyahe ng serye ay malapit na itong tapusin. Ilang buwan pa mula ngayon ay tapos na ang pakikipaglaban ng grupo ni Dalisay sa masasamang elemento ng ating lipunan.

At dahil ang namayapang Hari Ng Pelikulang Pilipinong si Fernando Poe, Jr. ang kanyang iniidolo ay pelikula pa ring iniwanan sa atin ni FPJ ang muling bubuhayin ni Coco Martin.

Batang Quiapo na pinagtambalan nina FPJ at Maricel Soriano ang ipapalit sa Ang Probinsiyano, panalung-panalo ang Regal Films nang ipalabas ang pelikula, naimbitahan pa kami sa shooting ng Batang Quiapo na kinunan sa mataong kalye ng P. Gomez sa Quiapo.

Ang eksenang kinukunan nang dumating kami ay inilulublob sa drum ng tubig ni FPJ si Marya, nakakaaliw, pero punumpuno ng maaaksiyong eksena ang pelikula na babagay kay Coco Martin.

Pero siguradong hindi na si Maricel Soriano ang makakatambal ni Coco sa serye, mas batang personalidad na, balitang si Julia Montes ang magiging leading lady ng action star sa serye.

Ang tanong ng bayan, bago raw kaya simulan ang kanilang tambalan ay uma­min na sina Coco at Julia sa tunay nilang relasyon? Aaminin na rin kaya nila ang ayaw mamatay-matay na kuwentong nagkabunga na ang kanilang pagmamahalan?

May mga malulungkot sa pagtatapos ng Ang Probinsiyano, lalo na ang mga kababayan nating mahilig sa mga upakan at barilan, pero kailangan na ring itiklop ang libro ng serye.

Kung mapapansin ay parang lastikong hinihila na lang ang mga eksena, puro flashback pa, isang matinding palatandaan na mahuhusay mang scriptwriters ay kakapusin na sa creative juices kapag ganu’n na katagal ang programa.

vuukle comment

JULIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with