^
Dingdong tuhog ang award FAN 2021 at GEMS
Dingdong

Dingdong tuhog ang award FAN 2021 at GEMS

SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - March 3, 2021 - 12:00am

Magkasunod ang natanggap na parangal ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes mula sa 5th Film Ambassadors’ Night (FAN 2021) ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) at Guild of Educators, Mentors, and Students (GEMS) Hiyas ng Sining Awards.

Sa kanilang virtual awarding na ginanap noong February 28, kinilala si Dingdong ng FDCP bilang isa sa recipients ng Cinemadvocate award para sa kanyang ipinamalas na malasakit sa mga displaced TV at film worker pati na rin stuntmen nitong pandemya.

Aniya, “Sobrang nakakataba po ng puso na makatanggap ng ganitong recognition. Na-consider ko po itong trabahong ito and of course, His blessings, as an opportunity to reach out to others, and help in transforming their lives.”

Kabilang din si Dingdong sa listahan ng FAN 2021 Actors Awardees para sa internationally-acclaimed drama na Descendants of the Sun: The Philippine Adaptation kung saan nag-uwi siya ng Asian Star Prize sa Seoul International Drama Awards sa South Korea.

Samantala, tagumpay rin ang aktor na maiuwi ang Best Performance by an Actor (TV series) para pa rin sa DOTSPh sa ginanap na 5th GEMS Virtual Awarding Program nitong March 1.

DINGDONG DANTES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with