^
Ending ng baby switching story ng KMJS, tuloy na sa korte!
KMJS

Ending ng baby switching story ng KMJS, tuloy na sa korte!

SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - March 3, 2021 - 12:00am

Marami ang nag-abang sa episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho para sa part 5 ng baby switching story, ang kauna-unahang documented case ng baby switching sa bansa ayon sa Department of Health.

Ikinatuwa ng maraming manonood ang naging resulta nito kung saan ay naibalik na sa kanilang totoong mga magulang ang dalawang sanggol.

Dumaan sa dalawang DNA test ang mga sanggol at mga magulang na sina Aphril at Marvin Sifiata at Margareth Traballo at Kim Jasper Mulleno, upang magkaalaman kung sino talaga ang totoong magkadugo.

Si Margareth ay malaki ang pasasalamat sa KMJS.

“Too overwhelming kaya ina-absorb ko pa. Pero very happy na nakabalik na sa amin si baby. Sobrang thankful po ako sa program n’yo dahil kung hindi po dahil sa program n’yo hindi po namin talaga malalaman yung totoo,” mensahe niya sa KMJS.

Dahil sa nangyari, kung mapapatunayan daw sa korte na nagkamali ang H Vill Hospital, magmumulta sila, at revocation of license ang magiging parusa, ayon naman sa Regulation Licensing Enforcement Division ng DOH.

KMJS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with