KZ, napisil sa Disney Raya
Trending kahapon ang #DisneyRayaPH matapos magkaroon ng official annoucement ang Disney Philippines na si KZ Tandingan ang kakanta ng Gabay para sa pelikulang Raya and the Last Dragon. Ito ang first-ever-Filipino language track from Disney.
Maraming humula na si Sarah Geronimo ang kakanta nito matapos maglabas ng teaser ang Disney PH the other day kaya nag-trending popstar royalty. “The first Filipino-language song from Disney, sung by one of the Philippines’ most powerful voices. Find out who she is tomorrow. #DisneyRayaPH”
Nagpasalamat naman agad si KZ : “I am so grateful to be chosen to sing the first-ever Disney track in Filipino! Tune in on March 5 as “Gabay” from Disney’s Raya and the Last Dragon drops on Spotify.”
May nakalagay na in cinemas soon ang nasabing animated film, meaning sa cinemas ito mapapanood at hindi sa mga digital platform.
By that time kaya, wala nang fear ang mga batang manood sa mga sinehan?
- Latest