^
Kris may kailangang sagutin tungkol kay Joshua
Joshua at Kris

Kris may kailangang sagutin tungkol kay Joshua

SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - March 3, 2021 - 12:00am

Komedyana, nahuling nagnenok ng life vest

Masyadong malisyoso ang issue kay Joshua Aquino ha.

Aware kaya si Kris Aquino tungkol dito?

Diumano’y nakabuntis si Joshua na parang imposible naman.

Anyway, sabi nga ni Nay Cristy Fermin nang may magtanong kahapon na viewers sa Take It... Per Minute, Me Ganun! ay tantanan na sana ang malisyosong isyu na ito.

Hindi malihim si Kris at tiyak na lilinawin niya ang malisyosong pinagtsi­tsimisang ito sa social media.

Kasalukuyang sa Tarlac naglalagi si Jo­shua dahil mas gusto raw niya doon dahil fresh air, nakakapag-jogging at naggo-golf pa.

Nabanggit lang kasi ang tungkol dito nang may viewers na magtanong nang sunud-sunod kahapon sa digital talk show nina Manay Lolit Solis, Manay Cristy Fermin and Mr. Fu ng tungkol dito.

Three days ago lang nang mag-post si Kris na “My Tarlac resident with his favorite “pretty Ninang” @boss1020 and the hard working & warm hearted governor of Tarlac, Gov Susan Yap... wala na talagang balak umalis si kuya sa “Alto” (that’s the compound of my mom’s family) and for me, kung saan sya pinaka HAPPY, then full support ako... our deal is everyday he needs to brisk walk or jog in the morning for at least 1 hour- and i can see he’s keeping his end of the bargain... nagulat talaga ako, tumanggi to join us sa beach, FOREVER na raw sya in Tarlac. Kay Kuya Josh, may forever...”

Anyway, kabilang din sa napag-usapan kahapon sa Take It... Per Minute, Me Ganun, ang tungkol sa na­ging issue kina Janno Gibbs and KitKat na parehong tinanggal na host ng noontime show na Happy Time matapos magkaroon ng balitaktakan sa social media.

Ayon kay Nay Lolit, ngayon lang niyang narinig na pumatol sa babae si Janno. Pero tama raw ang decision ng network nila na pareho silang palitan as host ng programa.

Agree rin sila na baka nga ito na ang katapat ni De­rek Ramsay, si Ellen Adarna and vice versa.

Kasal na ang sinasabi ng actor tungkol sa kanyang girlfriend ngayon.

Pero ang nagpasaya sa episode kahapon ay ang blind item sa TIPMMG na major sponsor ang Beautederm para sa last hurray ng 2nd anniversary episode ng programa with Bright Excels.

Unang blind item ang tungkol sa isang komed­yana na na-hold ng airport security nang minsang mag-abroad matapos makitaang nagnenok ng life vest sa sinakyang eroplano. Nakita sa scanner kaya caught in the act siya.

At dito naka-relate si Nay Lolit.

May throwback kuwento siya na naganap noon sa New York Hilton kung saan nagsilid siya ng silver tea set sa kanyang bag.

Pero pagdating nila sa checkout area, nilapag niya ang bag niya, pero na-out of balance kaya nahulog kasama ang pinitik niyang tea set sa room service sana ng hotel.

Hahaha.

Eh kasama raw niya noon ang mag-asawang sina Rudy Fernandez and Lorna Tolentino.

Napamura raw talaga noon ang namayapang si Daboy sa kahihiyan sa ginawa ni Nay Lolit.

Hahaha.

Inabot ng halos 1:30 p.m. ang TIPMMG kahapon dahil bukod sa umaapaw na chika at tawanan, meron ding pa-bring me courtesy of Beautederm ni Ms. Rei Tan sa limang lucky viewers na mga user ng Beautederm ang nagwagi.

Anyway, sa mga hindi nakapanood ng episode kahapon, maki-Team Replay sa Facebook page ng Pilipino Star NGAYON, Pang Masa, Latest Chika and Showbiz NGAYON ganundin sa YouTube channel ng Pilipino Star NGAYON.

KRIS AQUINO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with