^

Probinsyano, papalitan ng batang quiapo?!

SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - March 3, 2021 - 12:00am

Finally, pala ay tatapusin na diumano ang Ang Probinsyano ni Coco Martin.

Few more weeks pa raw, then babu na ito.

Pero hindi raw totally mawawala si Coco dahil another FPJ project ang ipapalit dito, ang Batang Quiapo, isang action-comedy film ni Da King Fernando Poe Jr. with Maricel Soriano sa Regal Films noong 1986.

Seven years na ang nasabing serye na pinagbibidahan ni Coco at siguro nga ay it’s about time na mamahinga na ang character niyang Ricardo Dalisay.

Finally kaya ay mapapanood sa Batang Quiapo si Julia Montes?

Anyway, puno man ng paghihinagpis ang puso, nakatakdang bumalik sa pakikipagbakbakan si Cardo (Coco) upang iligtas ang mga kaibigang nagdurusa sa kamay ng mortal na kaaway niyang si Lily (Lorna Tolentino) sa Ang Probinsyano na isa rin diumano sa pinaka-malakas na programa ng ABS-CBN sa YouTube.

Nabigo ang buong Task Force Agila sa pagsagip kina Diana (Angel Aquino) at Teddy (Joel Torre) mula sa pagpapahirap nina Lily at Arturo (Tirso Cruz III), kaya naman kailangan nila ng isa pang mas malaking alas para makuha sila nang buhay.

Dahil dito, magdedesisyon si Cardo na gamiting pain si Clarisse (Rhen Esca?o), ang anak ni Arturo, habang hinahanda nilang makipaglaban sa batalyon ng mga tauhan ni Lily.

COCO MARTIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with