^
Jodi may payo kay Claudine?!
Jodi

Jodi may payo kay Claudine?!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - March 3, 2021 - 12:00am

Muli na namang nagpahayag ng galit at pagkadismaya si Claudine Barretto sa relasyong Raymart Santiago at Jodi Sta. Maria.

Sa isang online interview ay inungkat muli nito ang isyung hindi man lang nagpasintabi sa kanya si Jodi nang makipagrelasyon ito kay Raymart.

Marami ang nag-react sa mga pahayag na iyon ni Claudine dahil matagal na raw silang hiwalay ni Raymart. Keber na raw ba niya kung kanino makipagrelasyon ang estranged husband.

Pero naintindihan namin ang pinupunto ni Claudine dahil close raw siya kay Jodi, sana kinausap man lang daw siya. Siya pa nga ang tumawag at nakipag-usap kay Jodi kaugnay dito.

Matagal nang napag-usapan ito at binuhay na naman. Hindi pa kasi nag-react sina Raymart at Jodi tungkol dito.

Pero noong kamakalawa lang ay malaman ang post ni Jodi sa kanyang Instagram account na feeling namin patama ito sa mga sinasabi ni Claudine sa nakaraang interview. Sabi niya; “We only have so much time and energy. Are you focu­sing on the majors of life? Focusing on the things that matter is a good way to fight against the unnecessary noise and distraction.

“Tomorrow is never gua­ranteed. Make life worth living. Choose your battles. Laugh always. Love hard. Show compassion and appreciation. Be grateful. Travel to feed your soul. Pray often…What are your majors?”

Agree kami sa post na iyon ni Jodi. Swak na swak na sagot sa lahat ng mga hanash ni Claudine.

Sa Rizal province ang kuha na iyon ni Jodi na parang nasa isang bundok. Mukhang magkasama sila roon ni Raymart dahil may kuha rin ang aktor sa kanyang Instagram account na tila nasa ganun ding lugar. Sabi naman ni Raymart sa post niyang iyon,“A smiling face is a beautiful face. A smiling heart is a happy heart.”

‘Yun na ‘yun!

Regine pinatunayang malakas ang hatak!

Natawa kami sa magkaparehong Instagram post ng mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez na kung saan nakaharap si Regine sa mga platong ubos na ang pagkain.

Tila nagpakabundat na ng pagkain si Songbird dahil sa tiniis din niyang pagpapapayat para sa kanyang Freedom concert na napanood sa KTX.Ph noong nakaraang Linggo ng gabi. Sabi nga ni Ogie sa kanyang IG post, “’Yan ang tunay na #freedom @reginevalcasid.”

Kahit virtual concert iyon na naiiba sa mga nakaraang Valentine concert niya, matinding hirap din ang paghahanda na ginawa at nasulit naman ito lahat.

Sabi nga ng reliable source naming taga- KTX, itong Freedom concert ni Regine ang pinakamalakas sa lahat na virtual concert nila.

Sabi raw ng KTX boss Gian Carlo Vizcarra, “Regine’s Freedom is the biggest earning concert on KTX to date.”

Ang maganda pa raw dito, napanood ng fans ni Regine mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Napanood ito sa iba’t ibang platforms ng ABS-CBN na bukod sa KTX, meron din sa iWantTFC, TFC IPTV, at SKYCable PPV.

“Ito ang may pre and post concert events na successful din at talagang siksik ang sponsors,” sabi pa ni Vizcarra.

Malaking bagay din daw ‘yung pagka-postpone noong nakaraang Valentine’s day dahil ang dami pa nilang naiisip na gawin para sa concert.

Isa nga sa touching na ginawa ni Regine ay ang pagbigay-alaala sa mga yumao na dati’y talagang nanonood ng concerts niya, kagaya ng sister ni Sen. Joel Villanueva na si Maristel, ang mommy ng talent manager na si Perry Lansigan, pati ang hairstylist ni Regine na si Chris Rodil at siyempre ang kanyang father-in-law na si Ginoong Herminio Alcasid.

Congratulations kay Regine at sa lahat na bumuo nitong Freedom concert. Talagang dito pinatunayan ng Asia’s Songbird na kahit virtual o sa isang malaking concert venue, siya pa rin talaga ang nangunguna.

Sef, gustong makipag-reconnect kay Andrea

Nakakaintriga ang sagot ni Sef Cadayona sa guesting nila ni Andre Paras sa The Boobay and Tekla Show na napanood namin noong nakaraang Linggo.

Sa isang segment nilang Pa-Presscon, diretsahang tinanong si Sef na kung magkaroon ng chance, liligawan ba niya uli si Andrea Torres ngayong single na siya?

Nag-isip sandali si Sef at nagbitaw ng linyang, “Parang puwede ko nang sabihing, ‘malaki lang ang katawan mo pero hindi mo ako kayang patumbahin.”

Parang may pinaparinggan daw ito sabi ni Boobay. “Sino kaya ‘yun?” sabi pa ng TBATS host.

“Hindi ko masasabing ligawan. Reconnect. Puwedeng reconnect. Happy naman kami ngayon as friends eh, at saka nakakapagkuwentuhan kami paminsan-minsan,” sabi pa ni Sef.

Ewan ko lang kung nakarating ito kay Derek Ramsay na baka makapag-guest pa sa bagong game show nila ni Andre na Game of the Gens na napapanood tuwing Linggo ng gabi sa GTV na dating GMA News TV.

JODI STA. MARIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with