^
Angelica at Coco, nagkadiskubrehan ng sikreto sa Dubai!
Angelica at Coco

Angelica at Coco, nagkadiskubrehan ng sikreto sa Dubai!

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - March 3, 2021 - 12:00am

Masayang-masaya si Angelica Panganiban dahil muling nabigyan ng pagkakataon na makatambal si Coco Martin. Unang nagkatrabaho ang dalawa sa pelikulang 24/7 In Love noong 2012 at ngayon naman ay sa Love or Money mula sa Star Cinema. “Masarap siyang kaeksena. Sobrang siya bahala sa ‘yo lalo na sa mga intimate scenes na kailangan naming gawin. Hindi ko naramdaman na parang awkward ‘to. Sobrang gentleman niyang tao. siguro ‘yon ‘yung action star in him. Parang sobra niyang aalagaan ‘yung mga leading ladies niya. So naramdaman ko naman ‘yon. at saka hello ang galing-galing niyang artista. So ang dali niyang katrabaho,” paglalahad ni Angelica.

Mas napalapit umano ang aktres kay Coco noong nagpunta sila sa Dubai upang kunan ang mga eksena para sa bagong pelikula. “Siyempre may chikahan moments kayo na mas nakakausap mo siya on a personal level. Hindi katulad noon na nagkikita lang kami sa Christmas special. Tapos, ‘Hi! Hello, kumusta?’ Ngayon lalo na nag-Dubai kami tapos pandemic. ‘Yung trabaho namin na naka-lock-in bubble kami. So mas nag-iba rin, mas nakilala n’yo ng isa’t isa. Mas may nase-share kayong mga sikreto sa isa’t isa. May mga napag-uusapan kayong hindi napag-uusapan noon. So siyempre ako bilib na bilib ako sa sipag ni Coco. Talagang taas-kamay talaga, hanep ka, araw-araw kang nagtatrabaho. Para siyang lalagnatin ‘pag hindi siya nagtatrabaho. Parang sa level na ‘yon hindi niya naiintindihan ‘pag pagod na ako. Kasi parang hindi siya napapagod eh. So parang ‘pag tinitingnan ko siya na ‘pagod na ako,’ sasabihin niya, ‘Anong nararamdaman mo?’ Sasabihin ko, ‘Pagod ito. Hindi mo na alam kung ano ‘yung pakiramdam ng pagod,” kuwento ng aktres.

Bea, boring na family life ang plano

Naibahagi ni Bea Alonzo kay Ian Veneracion kung paano ang aktres bilang isang kasintahan. Isa ito sa mga napag-usapan ng dalawa sa video blog ng dalaga. “Para sa akin I always give too much because I think that’s exerting an effort to make a relationship work,” bungad ni Bea.

Ayon sa aktres ay talagang ibinibigay niya ang lahat ng panahon sa taong mahal o karelasyon niya. “Sa umpisa effortless but at some point, there has to be some sort of an effort to make it work. Relationships are hard work,” makahulugang dagdag ng dalaga.

Aminado si Bea na pinangarap niya noon na maikasal bago pa tumuntong ng ika-tatlumpung taong kaarawan. Ngayon ay tatlumpu’t tatlong taong gulang na ang aktres. “Dati pangarap ko lang naman at 28 to get married and have children. Tapos ngayon lahat ng peers ko, lahat sila about to get married or they have their kids. ‘Pag iniisip ko, I wouldn’t have guessed na ako ‘yung huling mababakante. I always thought that I am the marrying type. I want to have a partner in life. I want to have someone to be there, build a life with. Actually I just want a boring family life,” nakangiting pahayag ng aktres. (Reports from JCC)

ANGELICA PANGANIBAN COCO MARTIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with