^
Regine pinakita ang pumayat na katawan sa kanyang concert!
Regine

Regine pinakita ang pumayat na katawan sa kanyang concert!

SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - March 2, 2021 - 12:00am

Isang mas personal pero pasabog na live show ang ibinigay ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid sa ginanap na Freedom digital concert noong Linggo.

“Ang feeling ko I’m just singing to one person,” ani Regine, na sinabing isang mas personal na show ito habang kinakausap niya ang libu-libong concert-viewers na mula sa iba’t ibang panig ng mundo sa pamamagitan ng higanteng screen.

Tunay ngang hindi inaasahan ang mga inawit ng Songbird para sorpresahin ang mga manonood—mula sa When The Party Is Over ni Billie Eilish,  Heart Shaker ng K-pop na Twice, Brooklyn Yellow Brick Road ni Elton John, at  Hit Me Baby One More Time ni Britney Spears.  

 Handog ang nasabing concert ng ABS-CBN Events at IME kasama ang PLDT na nagbigay-buhay din sa bigating Himala duet ni Regine kasama ang rock royalty na si Bamboo.

 Kita rin sa nasabing concert na pumayat si Regine ng 20 lbs. Yup, na isa sa rason kung bakit mas na-excite siya sa katatapos niyang concert na dapat sana ay noong Valentine’s day ginanap.

Though iba ang feel dahil virtual pero in a way meron ding advantages like puwedeng nakahiga ka while watching at hindi ka mahihirapang mag-park. 

Isa sa problem noon ng concert-goers ay ang parking ‘pag medyo na-late ka na dahil sa traffic.

Open din ang chat box, so alam mo agad ang reaction ng mga nanonood.

Anyway, ang #FreedomConcert, na isa sa top trending topics sa Twitter noong Linggo ng gabi, ay nagpakita rin ng magagandang rendisyon ni Regine ng OPM hits tulad ng Istorya ng The Juans at Leaves  ng Ben&Ben at sariling awitin na  Bukas Sana at Tanging Mahal.   

 Inalay naman niya sa asawang si Ogie Alcasid ang kanyang Crazy For You song number habang inalala ang kanilang 10th wedding anniversary kamakailan. Isang touching performance din ang ibinigay niya sa kantang  Make You Feel My Love tampok ang boses ng kanilang anak na si Nate.

 Ibinahagi ni Regine ang kanyang hiling bago matapos ang show. “I rea­lized that we all want freedom from fear, financial difficulties, anxiety, depression, a lot of things. Pero may isa pang uri ng freedom,” at tinukoy niya ang katotohanan na sana’y makamit ng lahat ng mga manonood.

Napanood ng Filipino audiences worldwide ang Freedom: Regine Velasquez-Alcasid Digital Concert sa pamamagitan ng iba’t ibang plataporma -ang ktx.ph, iWantTFC, TFC IPTV, at SKYcable PPV.

Si Paolo Valenciano ang naghatid ng stage direction ng show, si Frank Mamaril naman ang nagsilbing TV director, at si Raul Mitra ang nanguna sa musical direction nito.

Ngayong may vaccine na sa bansa, makakabalik na kaya sa normal ang panonood ng concert? Ang susunod kayang concert ni Regine ay face to face na?

Nauna nang nag-announce ang Malacañang na aprubado na ang uniform travel protocols for all local government at hindi na mandatory ang covid-19 testing and quarantine for travellers.

So may connect din kaya ito sa mga concert and shooting? Na hindi na mandatory ang covid-19 at optional na lang?

May ilang nagti-taping na raw na optional na ang swab testing, so sa concert kaya, puwede na rin?

Wala pa ring advisory kung ilang percent na ang puwedeng manood ng sine sa pagbubukas nito.

Anyway, congrats, Regine.

 

 

REGINE VELASQUEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with