^

Bakunang gawa ng China, pinagdududahan pa rin

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - March 2, 2021 - 12:00am

Hindi ko maintindihan ‘yung anxiety ng lahat sa made in China na vaccines.

Kasi nga ang dami nating gamit na made in China, at kahit pa nga sa buong mundo umikot na ang products na gawa ng China. Ang tagal nang nasa market ng mga produkto nila, kaya nga ang yaman-yaman nila dahil dito.

‘Yung vaccines nila para sa COVID-19, iyon ang pinaka-available kaya iyon ang napunta sa atin na libre pa, dinonate nila.

Ginamit na nila iyon sa mga tao nila, naturukan na ang maraming Chinese, so heto at nag-alok silang mag-donate sa atin.

‘Katawa rin tayo minsan, ‘pag personal driver o maid, hinahanapan natin ng NBI clearance, medical certificate, at mga papeles dahil nga magtratrabaho sa atin. Pero ‘pag sumakay tayo ng taxi, bus o jeep, hindi naman natin kilala ‘yung driver pero ipinagkakatiwala natin ang buhay sa kanila.

Kumakain tayo sa resto o eatery, tiwala tayong kumakain, hindi natin alam kung sino ang nagluto, ano ang ginamit, basta kinain natin nang buong tiwala.

So, my point, bakit ngayon na pandemic na nga kung anu-ano pa ang hinahanap natin? We are all now hoping na maayos ang pandemic, at ang makakaayos lang nito ang vaccines na pipigil sa COVID-19.

Ok ingat tayo, pero lahat ay puwede nating i-try, para mas marami ang makinabang. Made in China, India, USA, lahat iyan kung ano ang availa­ble ok na, basta matapos na ang pandemic.

Isah V. Red Award, simbolo ng pasasalamat

Alam mo ba, Salve, ‘yung Isah V. Red award ng SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors) ay very relevant sa panahon ngayon. Para kasing Darling of the Press, BFF ng Press. Katuwang ng press ang impression ko sa award na iyan na ipinangalan ng SPEED sa dating mahusay na English writer at editor na si Isah Red. At malaking karangalan sa sinuman na tatanggap nito ang mabigyan niyan dahil knowing kung gaano kasuplada at snooty si Isah noong buhay pa, ang mapili ka para bigyan niya ng award ay malaking bagay na.

Dapat lang kasi na ipinapakita ng showbiz wri­ters ‘yung love nila at appreciation sa mga taong tumulong at nagmahal sa kanila. Nakita nila ang malasakit nina Ramon Ang, Rhea Tan ng Beau­tederm, Unilab, Angel Locsin , Kim Chiu at Sen. Bong Revilla  sa maraming nangangailangan sa kasalukuyan, at one way of showing how thankful the members are to them, ito nga, ang Isah V. Red Award.

Pati ‘yung sinimulan ng SPEEd na Icon Award, very special dahil sa mga veteran at respected stars ito ibinibigay. In such a short time, ipinakita ng SPEEd ang credibility nila sa pagbibigay ng awards, na siguro is making Isah Red smile in heaven.

Bongga, kahit pa nga this time hindi matutupad ‘yung wish nila Salve, Ian Fariñas at Tessa Mauricio-Arriola na isuot ang bongga nilang outfit, magpa-hair and makeup dahil virtual ang presentation ng SPEEd gabi ng EDDYS, at least nairaos nilang lahat at inaabangan talaga ang gabi ng parangal nila.

COVID-19 VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with