^

Komedyana na hindi kayang pigilan ang emosyon, nawalan ng show

UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - March 2, 2021 - 12:00am

Hindi naging positibo para sa isang female personality ang sobra niyang kadaldalan. Opinyon ng mas nakararami ay mukhang nakatira na rin siya sa harapan ng kanyang mga gadget.

Hindi pa kayang rendahan ng komedyana ang kanyang emosyon, post lang siya nang post, hindi man lang niya pinag-iisipan kung ano ang magiging resulta nu’n sa kanyang karera kung meron man.

Kuwento ng aming source, “Sayang siya, marami na siyang ginagawang projects na kabig siya ng bumibida. Magaganda na rin ang mga roles na naibibigay sa kanya.

“Pero ipinahamak siya ng kadaldalan niya, ng pagiging tactless niya, marami siyang ngawngaw na naging dahilan ng hindi kagandahang kapalaran niya ngayon,” unang hirit ng aming impormante.

Isang impormante naman ang nakaalala sa minsang pinagdaanan ng komed­yanang ito. Eksena ‘yun sa eroplano. Nakakaloka ang pangyayari.

Patuloy ng aming source, “Hindi ba, na-hold siya sa airport? Kasi nga, ‘yung mga gamit sa plane, e, tinangkas niya? Akala niya siguro, e, libre ‘yun, kaya ginetlak niya!

“Ayun, nu’ng ma-Julie Andrews siya, na-hold siya sa airport! Pati ang parachute, kinuha niya! Nakakaloka ang babaeng ‘yun!” pag-alala pa ng aming source.

May kuwento pa ang komed­yanang ito na kailangan daw nilang magpasok ng commercials sa TV network na pinagtatrabahuhan niya.

“Kataklesan din niya ang pinagmulan ng kuwentong ‘yun! Sinabihan kuno sila ng ma­nagement na kailangan nilang magpasok ng mga commercials, samantalang may sales department naman ang network.

“Ikinuwento niya ‘yun sa mga kaibigan niya, para raw magtagal ang show nila, e, dapat silang magpasok ng commercials! ‘Yun siguro ang isa sa mga dahilan kung bakit siya tinanggal!

“Kung minsan kasi, e, sumosobra na rin talaga ang dila ng babaeng ‘yun, e! Feeling na siya! Marami siyang hindi nakakasundo sa production, nag-away pa sila ng isang co-host niya!

“Ayan tuloy ang nangyari, natsugi siya sa show, sayang na opportunity ang pinakawalan niya dahil sa kadaldalan niya!” pagtatapos ng aming source na nakataas ang kilay.

Ubos!

Derek at Ellen, palasak na agad!

Halos lahat ng mga artista ngayon ay meron nang sariling vlog at You Tube channel. Talk show ang datingan ng kanilang ginagawa. Nag-iinterbyu sila ng mga kapwa nila artista.

Bukod sa meron na silang exposure dahil iilan na lang ang mga talk shows ngayon at digital pa ang format, kumikita sila, malaki ang benepisyo nila sa kanilang pinagkakaabalahan lalo na kapag sinuwerte silang magkaroon nang milyunang views.

Sila na mismo ang nagbibigay ng materyales ngayon sa mga reporters, hindi na sila kailangang interbyuhin pa, sa panahon ng pandemya ay natuto na nga ang mga artista para sa kanilang kabuhayan showcase.

Pero meron ding ibinungang hindi kagandahan ang kanilang pagba-vlog. Nawalan na sila ng element of surprise. Mahalaga pa naman ‘yun para sa mga artista.

Tulad ni Kris Aquino, ultimo ginagamit niyang sabon, toothpaste, napkin at kung anu-ano pa ay inilalantad na niya sa publiko. Pati ang kinakain nilang mag-iina ay nasa IG niya na rin.

Ano pa ang hindi niya nailalabas? Halos lahat ng ginagawa niya, kinakain niya, nangyayari sa kanyang buhay ay alam na ng samba­yanan. Nasaan pa ang elemento ng sorpresa kay Kris? Meron pa ba?

May mga personalidad na hindi nakisabay sa agos, tahimik lang sila, walang masyadong alam ang publiko tungkol sa kanilang mga ginagawa.

Mas nakaabang ngayon ang mga kababayan natin sa mga artistang tahimik lang. Marami silang gustong malaman dahil hindi pampubliko ang buhay ng kanilang iniidolo.

Masyado nang palasak ang mga tulad nina Derek Ramsay at Ellen Adarna na araw-araw ay may bagong post tungkol sa kanilang relasyon. Mag-road trip lang sila ay parang kasama na nila sa biyahe ang buong bayan.

Magpunta lang sila sa beach ay parang nandu’n na rin ang buong mundo para sumalo sa kanilang pagtatampisaw.

Ano pa ang hahanapin ng publiko sa kanila? Wala na dahil ipinaglalantaran na nila sa buong bayan ang kanilang pagmamahalan.

May bentahe pa rin ang mga “lumang tao” kung ituring, hawak pa rin nila ang elemento ng sorpresa, hindi pa kasi kabisado ng publiko ang likaw ng kanilang bituka.

COMEDIAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with