_ngayon
^

Aktres na magaling magsayaw, naudlot sa isang network dahil sa sobrang laki ng tf!

YUN NA! - Jun Lalin (Pilipino Star Ngayon) - March 2, 2021 - 12:00am

Tama kaya ang tsika ng ilang showbiz personalities na kaya hindi natuloy sa isang top TV network ang isang aktres na magaling magsayaw ay dahil sa issue ng talent fee?

Malaki nga ba masyado ang TF na hinihingi ni aktres?

In the first place, may negosasyon na ba talagang naganap between sa aktres at sa top TV network?

O, baka naman kaya intriga na naman ‘yon kay aktres ng ilang mga taong tila hindi siya gusto, kaya palaging ipinagbubunyi ang mga maling desisyong nagagawa niya sa kanyang career?

Well…

Swab test sa kilabotitos concert, hindi tinanggal

‘Kaaliw si Regine Velasquez-Alcasid.

Dahil natapos na noong Sunday ang Freedom virtual concert niya na na-stream noong Sunday sa KTX.ph, super eat naman siya kahapon.

Marami ngang pagkaing nilantakan ang Asia’s Songbird dahil weeks before her virtual concert naman, naging mapili rin sa pagkain si Regine bilang paghahanda nga sa Freedom.

Anyway, noong Sunday, after ng pakikipagtsikahan online sa VIP virtual tickets holders ng Freedom, si Ogie Alcasid naman ang katsikahan ni Regine.

Nang makausap ko kahapon si Ogie, sinabing sa sobrang tuwa nilang mag-asawa sa success nga ng Freedom concert, hanggang 2:30 a.m. daw silang magkakuwentuhan.

Actually, kahapon, may COVID-19 swab test din si Ogie, si Ian Veneracion at ang lahat ng mga kasama sa Virtually Yours, KilaboTitos, pero ok lang sa kanya kahit napuyat siya dahil successful nga ang Freedom virtual concert ni Regine.

Sobrang puri nga ni Ogie ang kanyang wifey at sinabing, “Congratulations!!! You have raised the bar again. Your artistry comes from a place so high. Lord purihin ka!!!”

Ang bongga!

Anyway, going back to Virtually Yours, KilaboTitos ni Ogie with Ian, tinanong ko ang isang namamahala sa rehearsal nila kung kumusta ang swab test ng lahat at ok naman daw ‘yon.

Habang nagta-type nga ako ng item na ito ay nagre-rehearse pa sina Ogie at Ian at sobrang saya raw sa studio. Nakakatawa raw sina Ogie at Ian, kaya siguradong sa taping ng kanilang virtual concert bukas ay mas nakakaaliw pa raw ang dalawa.

Oo nga pala, today, sa Music Museum naman ang rehearsal nila dahil doon din ang venue ng kanilang taping bukas.

Limited lang daw ang tao sa Music Museum at lahat ay dadaan din sa swab test.

‘Yun na!

ACTRESS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with