_ngayon
^

PSN Showbiz

Ogie binuking na lumang tao si Ian!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Ogie binuking na lumang tao si Ian!
Ogie at Ian

Matapos mabitin last March 2020, tuloy na ang Kilabotitos nina Ogie Alcasid and Ian Veneracion sa March 26.

Yup, isang taong nabitin ang nasabing concert ng mga kilabot ng titas dahil sa pandemya. Pero ito na nga, finally. Gaganapin ito sa Music Museum pero mapapanood sa KTX.ph.

Super major concert ang pattern nila kaya excited sina Ogie and Ian na nagbigay pa ng pa-sample sa ginanap na virtual media conference days ago. “We pursued doing the concert kasi kating-kati na kami ni Ian to do this. Nabitin kami, when we’re so excited to do this,” pahayag ni Ogie.

Nakapag-rehearsal na sila noon at mara­mi na sana ang na-dispose na tickets nang maudlot ito. “A lot of people were disappointed, then we had to return their money dahil ang dami na nung bumili ng tickets.”

Though younger si Ian than Ogie, magkasundo sila pagdating sa type of music dahil lumang tao raw si Ian tulad niya.  “I’m surprised that lumang tao siya. He enjoys the songs of my high school years. Music from the ‘70s and ‘80s.

“Namili kami ng songs that we feel na magugustuhan ng audience namin. They don’t make that kind of music anymore, so I’m sure nami-miss na rin ng mga tao ang music of that era.

“Also, I’ve collaborated with many ar­tists, they get nervous, pero si Ian parang hindi kinakabahan. He just loves the stage and he just loves to sing. Enjoy na enjoy siya, he loves what he’s doing. And that’s the mark of a good performer,” papuri pa ni Ogie kay Ian na wish granted pala nang maka-duet nito noon sa isang concert si Regine Velasquez na parang gusto lang daw niyang pakinggan habang kumakanta ang misis ni Ogie.

Adjusted na si Ogie sa virtual show kaya madali na sa kanya ang gagawin nila ni Ian. Nang magkaroon ng lockdown at kinailangang mag-stay sa bahay, nag-try silang magkaroon ng live streaming ni Regine at nakita niyang maganda ang naging response ng audience.

Doon na siya bumili ng mga equipment hanggang na­ging regular na ito.

“Nakakatulong daw kasi para mawala ang anxiety nila and it’s also a way for us to earn a little bit of money. Before, kung may show ka, pupunta ka pa sa venue, dala mo lahat ng gamit mo. Now, nasa bahay lang kami, doon na kami kakanta,” though feeling ni Ogie, walang kapantay ang experience ng face-to-face concert dahil nakikita mo ang reaction nila.

Aside from pandemic, last year din namatay ang daddy ni Ogie at nawalan ng franchise ang ABS-CBN kaya naging malaking challenge sa kanya ang nakalipas na taon.

IAN VENERACION OGIE ALCASID
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with